Chapter 8

16.7K 562 18
                                    

KINAHAPUNAN ng makauwi si Chase ay inabutan nito si Daisy sa kusina. Tila may iniisip ito kaya mataman niya itong pinakatitigan. Ng malingunan siya nito ay bigla itong napakamot ng ulo.

"What's wrong?" Takang tanong dito ni Chase. "Um. Nag-iisip kasi ako kung ano ang lulutuin ko." Sagot nito.

"Ah! No need to cook. Sa bahay na lang ng parents ko tayo kakain ng dinner." Ani Chase at naglakad siya palapit sa dalaga.  Maingat niyang hinapit sa baywang ang dalaga ng tuluyan siyang makalapit dito.

"Huh! Ayaw ko. Nakakahiya sa magulang mo. Baka kung ano pa ang sabihin nila." Mabilis nitong tanggi. Agad naman siyang dinampian ni Chase sa labi ng halik. "God. Bakit po ba ang sarap ng labi ng lalaking ito. Nanghihina po ang tuhod ko sa kanya." Tahimik nitong usal sa isip.

"Don't say no, please." Sumamo dito ng binata. "Pero nakakahiya naman kasi e. Katulong mo ako dito sa bahay mo---

---don't say that. Bakit katulong ba ang trato ko sayo mula ng tumapak ka sa loob ng pamamahay ko?" Seryoso ditong tanong ni Chase. Mabilis naman itong umiling bilang sagot. "That's it. Kaya wag mong isiping katulong ka sa bahay na 'to. Isipin mong bahay mo rin ang bahay na 'to." Saad niya dito. Bigla naman nanubig ang dulo ng mata ni Daisy sa narinig.

"Thank you, Chase." Tanging namutawi sa bibig niya sabay yakap niya sa binata. "Your always welcome baby." Sagot nito na gumanti rin ng yakap kay Daisy.

"Okay. Sige magbibihis lang ako." Maya ay paalam nito kay Chase na agad naman siyang pinakawalan sa pagkakayakap.

Pagkaakyat ni Daisy sa kwarto niya ay agad siyang naghanap ng maisusuot niyang damit. Ng makita niya ang simple dress na meron siya ay iyon ang kinuha niya at isinuot. Matapus niyang magbihis ay inilugay lang niya ang mahaba niyang buhok. At dahil hindi uso sa kanya ang makeup ay naglagay lang siya ng cream with powder sa mukha at light lipstick. Ng makuntento siya sa ayos niya ay agad niyang isinuot ang flat shoes niya at isinukbit niya sa balikat ang may kaliitan niyang bag bago siya nagpasyang lumabas ng silid.

Pagkababa ni Daisy sa sala kung saan naghihintay sa kanya si Chase ay agad niya itong nakitang may kausap ito sa tawagan. "Gago, kailan ka umuwi ng Pilipinas?" Dinig ni Daisy na ani Chase.

"Gago, goodboy na ako." Anito. "Yeah! I have. Of course she is beautiful." Saad pa ni Chase. Nagtataka naman ito kung ano ang sinasabi ni Chase.

Matapus makipag-usap ni Chase ay muli niyang ibinalik ang tawagan sa bulsa niya. At pag-angat ng mukha niya ay tila slow motion itong napatingin sa nakatayong si Daisy.

"B-baby." Tila nauutal nitong tawag sa dalaga. Simple lang ang suot nito ngunit lutang parin ang tinatago nitong ganda. Kung itatabi ito sa mga sikat na model ay masasabi mong walang panama ang ganda ng mga ito sa taglay niyang ganda.

"Wow! Baby, your. You are....just wow!" Tila hindi alam ng binata kung ano ang sasabihin sa nakikita nito. "Okay, lang ba ang suot ko?" Kagat labi nitong tanong.

"Of course, you are beautiful baby." Anito sabay hapit niya sa baywang ni Daisy. May kapilyohang nakapaskel sa mukha nito na agad nabasa ni Daisy. "Manghahalik ka na naman niyan." Nagdudumilat nitong aniya kay Chase na ngumiti lang.

"Baby, masisi mo ba ako. Eh! Sa hindi ko mapigilan ang sarili kung wag kang halikan. I love to kiss this lips." Anito na agad dinampian ng halik ang labi ni Daisy. Hanggang sa ang padampi-damping paghalik ng binata ay naging malalim pa. Hindi naman alam ni Daisy kung paano niya ito tutugunin. Napakapit na lang siya ng mahigpit sa balikat ng binata.

Dahil sa nakakahalinang halik ng binata ay hindi namalayan ni Daisy ay unti-unti na pala siyang natatangay dito. Ng tugunin niya ang halik ni Chase ay napangiti agad ang binata. "Oh! My baby, Daisy." Anito sa isip sabay hapit niya lalo sa baywang ng dalaga.

HE TOOK MY HEART(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon