Kabanata 1

511 11 1
                                    

Buhay Probinsya

" Pambihira! Nakaka-diri talaga ang putik dito sa Probinsya! "

Pesteng-peste ako sa malalagkit at nakakadiring putik na dumikit sa mamahalin kong flats. Rinegalo pa'to nung niloko kung kano sa internet noon.

"Ang arte mo naman Amanda! Hanggang ngayon ba hindi ka parin sanay dito sa Probinsya?"

Binigyan ko siya ng nakamamatay na titig at kung literal na nakakamatay ito paniguradong abo na siya ngayon. Pesteng Lara 'to! Pakialam niya ba?! Palibhasa laking probinsya ang Leche! Imbis na sagutin ko pa siya, minura ko siya ng libo-libong beses sa utak ko. Naka-ngiting aso lang siya habang paalis sa harapan ko.

"Amanda! Uwi ka na daw!"

Sigaw ng bruhilda/Leche kong kapatid. Ako dito nag-iigib samantalang siya nagbubuhay senyorita sa bahay naming KUBO.

"Wala kabang balak tulungan akong bitbitin ang mga gallon na'to?!"

Pero ang Leche inismiran lang ako at naglalakad na parang pato. Masyadong trying hard ang Leche! Tagaktak ang pawis ko ng nasa kalagitnaan na ako pauwi ng bahay buhat buhat ang dalwang gallon. Ang lagkit lagkit ko na. Yuck!

"Hi Amanda! Here let me help."

Nagulat ako ng biglang humalik si Gino sa pisngi ko at kinuha ang dalawang gallon sa kamay ko. Mabuti nalang talaga at dumating siya. Kababata/Manliligaw ko si Gino since first year highschool. Well, what can you say Maganda naman talaga ako.Hindi ako hambog. I'm just stating the obvious.

"Dapat kasi di ka nag-iigib dito lalo na maraming adik dito sa Probinsya." sermon niya.

"Do you think gusto ko? My God Gino! Kating-kati na akong bumalik ng Manila pero hindi pa pwede."

Leche kasi. Kung hindi kami niloko ng business partner ni Daddy at di kami na-bankrupt Edi masaya. Idagdag mo pang namatay si mommy dahil sa stressed ng malaman niya bumagsak yung negosyo namin. At dahil namatay si mommy, si Daddy naman yung naapektuhan. Uminom, Nagsugal, Nambabae kaya ayun naubos ang pera at pinatapon kami dito sa probinsya ng Aunte ni mommy.

"Ba't ba ayaw mo nalang manatili don sa amin? We have enough rooms in our house and you know that I'm willing to do anything for you" sabay kindat niya sakin.


Hmmm. Di naman masama ang offer niya pero ayoko pa rin. Ang manyak kaya ng Daddy niya kung makatitig para kanang hinuhubaran. Eww!. Ang tanda na kaya nun. Isa pa, I can't leave dad here lalo nang may sakit siya ngayon. Naka apply nadin naman ako ng scholarship sa Manila hinihintay ko nalang yung resulta at pagpumasa ako don, dadalhin ko si Daddy para ipagamot.

"Thank you for the offer Gino. Maybe next time."

Malayo palang kitang-kita ng dalawang maganda kong mata ang kapatid kong nakaabang sa pintuan at kita ang gilagid sa kaka-smile kay Gino. Tsss. Masyado siyang halata.

"Hi Gino! It's good to see you again" sabay kapit niya sa braso nito.

"Binisita ko lang yung ate mo. Gusto ko sanang isama siya sa Manila at soon nalang muna sa'min pansamantala"

Nakita ko ang biglaang pagkuyom ng kamao ni Veronica at nilingon niya ako na may sarcastic na ngiti sa kanyang labi.

"Oh? Di mo pala tinanggap Amanda?" may pagulat gulat pa siyang ekspresyon.

Tss. If I know magbubunganga yan kung sasama ako pero dahil hindi, paniguradong nagdiriwang na ang kaluluwa niyan. Patay na patay siya kay Gino. Pero like what I've said a while ago, Mas maganda ako kaya sakin baliw si Gino.

Chasing A Montague (Montague Series #1) UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon