Chapter 1🐰

155 5 1
                                    

Hindi lahat ng relasyon may happily ever after.

Hindi lahat ng relasyon may happy ending.

At hindi lahat ng relasyon may forever.

Pero lahat ng relasyon...




...may ENDING.

•••
R E E S E

"Yow bes,anong meron?" Tanong ko kay Hailey on the phone. Bigla kasing tumawag eh. Nasira tuloy moment namin ni Carter mylabs. Wohoho.

[Wala lang. Busy ka ba? Samahan--asdfghjkl...] Hindi ko na naintindihan ang sinabi niya nang kunin ni Carter saakin ang phone. Anong problema nito?

"Hoy kapatid,'wag ka ngang istorbo. Nagde-date kami ni babe eh." Saad niya sabay tingin saakin ng nakaka-loko. Naramdaman ko naman bigla na ng blush ako. Woo! Pisngi ko makisama ka naman. Kenekeleg ako!!!

[Wala akong pake! Walang forever kuya--]

"Sorry ka,sa'min meron. Bye!" Carter sabay pindot ng end button. Kahit na magwa-one year na kami ng lalaking 'to kinikilig padin ako. Syempre,pinapa-kilig niya din ako eh. Kaya mahal na mahal ko 'to.

"Istorbo." Carter sabay pout. Kinurot ko naman ang ilong niya kaya napalapit siya saakin.

"Ikaw talaga,babe. Kapatid mo 'yun eh." Sabi ko sakanya at binitawan na ang ilong niya. Sinamaan niya naman ako ng tingin pero bigla niya nalang akong inakbayan.

"Kahit na 'no,walang exception pagdating sa date namin ng babe ko." Siya at niyakap nalang ako. Napangiti naman ako.

"I love you,Carter Evans." Ako. Kumalas naman siya sa pagkakayakap saakin,hinawakan ang chin ko at hinarap ako sakanya. Ang lapit pala namin sa isa't-isa. Owemji. Mga inches nalang!

"Mas mahal na mahal kita,Reese Morgan." Nagulat nalang ako nang bigla niya akong halikan,waah!! Sa lips! Okay,okay. Keribells ko 'to. Hindi naman sa first time ko 'to,syempre 'no minsan nagki-kiss kami ni Carter pero hindi 'yung araw-araw nalang or worst oras-oras. Alam ni Carter na ayaw ko 'non,kaya minsanan lang kami mag-kiss. Ay? Ano ba ang sinasabi ko? Shocks!

Lumayo na saakin si Carter at ngumiti saakin ng nakakaloko.

"Kelan ka ba matututong humalik,ha?" Aba! Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas sa may braso niya. Ang sama! This time,ako naman ang nag-pout.

"Ikaw talaga,babe. Kahit saang anggulo ang ganda-ganda mo. Ang sarap mong patayin." Napatingin naman ako sakanya dahil sa sinabi niya. What the!

"Anong sabi mo?" Ako. Niyakap niya nanaman ako.

"Ikaw talaga,ang slow mo." Carter.

"Talaga lang ah? At ako pa ang may diperensya,ganun?" Ako. Narinig ko naman na nag-chuckle siya. Pinagti-tripan ata ako nito eh.

"Papatayin kita,babe. Papatayin kita ng pagmamahal." Nag-blush nanaman ako sa sinabi niya. Oras-oras nalang ba niya akong pakikiligin? Emegesh.

"Oh? Natahimik ka? Kilig ka naman?" Pinaglololoko talaga ako ng lalaking 'to eh.

"Ewan sa'yo." Ako,sabay cross arms at tingin sa ibang direksyon.

"Asus,nagtatampo oh. Kaya mahal kita eh." Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako mula sa likod ko. Ang hilig talaga nitong mangyakap. Pero kahit ilang beses pa niya akong yakapin,never akong magsasawa.
•••

Happy Chapter 1 everyone! Support,support! Happy reading!

VOTE AND COMMENT🐰

By The Cupid's Arrow [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon