I

810 42 7
                                    

I: I am what I am

---

----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----

Yoona's Point of View

"Tsk." sabi ko sabay upo sa upuan ko. Imbyerna dahil heto na naman ang mga fans ko.

"Yoona!" maarteng bati ni Irene habang papalapit siya sa akin.

"Oh?" sagot ko naman.

Ipinakita naman niya yung pinagmamagaling niyang boyfriend. Eh pake ko naman dun sa boyfriend niya?

Kahit anong isipin ko, wala talagang connect.

"So loser mo talaga. Magdedecember na pero forever alone ka pa din."  sabi niya sabay irap na akala mo ay ikinaganda niya!

Umirap din ako. Kala niya siguro siya lang nakakagawa non. "Ano bang connect ko sa boyfriend mo?" naiinis kong tanong  sa kanya.

Sa araw-araw nalang ba naman, gusto niya yatang ipagsigawan ko na bitter ako dahil may lovelife sila.

Ngumiti naman siya. "Wala lang. Kasi ang panget mo kaya walang nagkakagusto sayo." She said. Ngumisi pa siya sa akin.

Edi shing. "Eh kesa naman sa iba na maganda. Panget naman ang ugali." sabay tingin ko sa kanya.

"Maganda ako no." She said. Tingnan mo to, ang yabang.

I smirked. "Try mong kumain ng make-up baka sakaling gumanda yang ugali mo." sabi ko sa kanya.

Tatayo na sana siya pero saktong dumating ang mga gangster kong tropa. Char. Sila Jessica lang yung dumating.

"Oy! Inaaway mo ba si Yoona!" sigaw ni Taeyeon. Heto na naman ang supportive kong mga kaibigan.

Umalis naman si Irene sa harap ko. Salamat naman! World peace at last.  "Anong ginawa sayo non?" pangchichika ni Jessica habang umupo sa tabi ko.

"Waley." sagot ko naman. Alangan namang, sabihin ko na ininsulto lang ako nung babaita na iyon.

Tumawa naman si Yuri ng pagkalakas lakas. "Hula ko ay tungkol yan sa boyfriend thingy. Magboyfriend ka na kasi." pang-brainwash niya sa akin. Pero sorry, di yata effective yon.

I glared at her, instead. "As if." sagot ko naman. Hindi ko alam kung bakit nga ba big deal sa kanila kung may lovelife ako o wala. Eh okay naman akong mag-isa. Kuntento na ako doon.

"Ang lungkot kapag kumakain mag-isa." parinig naman nung kaibigan ni Irene sabay tingin sa akin.

"Kapag ba kumakain dapat by group? Taga nguya ka, tapos ako taga lunok?" imbyerna kong sabi sabay flip hair. Tumingin naman ako sa tropa ko. "Canteen tayo. Gutom ako."

Lahat naman ay tumahimik at pinadaan kami ng maayos.

Wala eh. Dyosa kami.

After kong makakain ay ipinikit ko na ang mata ko at inaantok na ako. Kapag kasi busog ay aantukin ka na. O sadyang busog lang ako?

"Buhatin niyo nalang ako papunta sa classroom." sabi ko sa kanya.

Narinig ko naman na tinatawag nila ang pangalan ko pero wala eh. Mas mahal ko ang tulog.

---
A/N:

Hello guys. I've been thinking to write a chat story pero di ko alam kung pano ko sisimulan then this idea just pops in my head so ayun. Sulat din kapag may time.

Wala naman kasing imposible wahaha lalo na sa fanfic. :)

Always OT9 :)

;)

Imaginary |Kim Taehyung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon