R

365 31 5
                                    

R: Realizing Something

---
Yoona's Point of View

Ini unblock ko na yung account na hawak ni Sooyoung. Hindi ko alam kung ginagago niya ako o ano. Hindi niya naman kasi sinagot ng mabuti yung tanong ko sa kanya!

Lumabas nalang ako ng kwarto at naabutan ko ang magaling kong pinsan. "Hoy Tzuyu, may bahay naman kayo diba? Bakit lagi kang tambay dito?" tanong ko sa kanya.

Umirap naman siya sa akin. "Duh ate Yoonang siga, kasi nagagalit si kuya kapag nanonood ako ng korean drama." She said. Bakit pansin ko na 'Yoonang siga' ang tawag nila sa akin?

Hindi naman ako gangster.

Dumiretso naman ako sa ref. Nililigawan ko kasi yung ref kaya ganoon. Lagi niya kasi akong binubusog kaya mahal na mahal ko siya.

Pagkabalik ko ay nakatutok pa din ang pinsan ko sa TV namin. "Baka isipin ng tv na baliw ka." komento ko naman.

"Ate, kilala mo ba sila?" Parang baliw niyang sabi. Hindi niya ako hinaharap pero kinakausap niya ako.

Tumingin naman ako sa sinasabi niya. "Hindi. Hindi naman nila ako kilala." sabi ko naman sa kanya.

Humarap nasiya sa akin. "What? Tao ka ba ate? Sila ang sikat na sikat na buong mundo! Maraming patay na patay sa kanila."

"Isa ka na doon." bulong ko naman.

"Oo double dead na nga ako eh. Pero seryoso ate, di mo sila kilala?" parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Hindi." simpleng sagot ko sabay kain ng sandwich.

Lumapit siya sa tv. "Sila ang BTS. Ipapakilala kita dali!" masaya niyang sabi. "Etong parang walang pake sa mundo. Siya si Suga."

"Ano kamo? Siga?" tanong ko sa kanya. Narinig ko na sila. I mean, I heard some of their songs and they're beautiful. Pero hindi ko aaminin kay Tzuyu yun besides hindi ako ganoon kafamiliar sa kanila.

"Suga ate!" inis niyang sabi. Eh may name bang ganoon? "Eto naman yung leader nila. Si Rapmon. Matalino yan ate!" sabi niya sa akin.

"Oh tapos?" sinakyan ko nalang ang kabaliwan niya.

"Tapos eto naman si J-hope. Punong puno daw kasi siya ng hope hehe. Tapos eto si Jin. Ang pinapogi sa kanila, sabi niya ha." Kilalang kilala ng gaga yung mga tao sa tv.

"At eto naman na maliit na to pero panalo ang abs? Siya si Jimin!" tumili pa siya pagkatapos. "Ay eto na yung maknae na ubod ng gwapo pero international playboy tsk."

Tiningnan ko naman yung sinasabi niya. Mukhang playboy nga.  "Eh sino naman yung weird na lalaki na yun?" sabay turo ko naman sa may screen.

She laughed. "Siya si Taehyung."

Parang pamilyar. "Ah." sabi ko naman.

Tumayo naman ako para pumunta sa kwarto. "Kilala din siya bilang V."

"WHAT?"sigaw ko na dinig yata sa buong lugar namin.

Alphabet din siya? Omo.

---

Imaginary |Kim Taehyung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon