Y: Yoona's dream
---
Yoona's Point of View
Was it all a dream? Lahat ba nang nangyari ay panaginip lamang? Sumasakit ang ulo ko kapag naiisip ko na panaginip lamang ang lahat.
I've been asleep for almost two months? Two freaking months! Grabe. Lagpas na nga kami sa mid ng Decemeber nang magising ako pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Ilang araw nalang at Pasko na pero hindi pa rin mag sink in yung mga nangyari sa akin. Ilang araw na rin akong tulala sa mga nangyari sa akin.
I looked at my phone the sighed. Wala kahit isang message na galing sa kanya. Or even thread ng conversation naming dalawa.
I tried to search him pero walang ganon na lumalabas. Natype at natry ko na lahat ng posibleng pangalan pero wala talagang ganon. Tsk.
It's sad to know that he's just a beautiful dream.
Just a dream...
"Ate Yoona, kanina ka pa tulala." Ah nandito nga pala si Tzuyu sa bahay namin. "Halika, samahan mo nalang akong magfangirl." aya niya sa akin.
Napailing na lamang ako sa kanya. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siyang magpakilala sa mga tao sa may TV. "They're BTS. Bangtan Sonyeondan. Ang leader nila ay si Namjoon. Members are Jin, Jimin, Suga, Hoseok, Jungkook at Taehyung.."
Napatakip naman ng bibig si Tzuyu. "Takte ate, paano mo nalaman? Eh ang alam ko nga na hindi ka nanonood ng TV. At kelan ka pa nagkainteres sa lalaki?" takang tanong niya.
I sighed. Ipaliwanag ko man sa kanya na nakilala ko na yung sinasabi niya sa panaginip ko. Heck, I even talk to BTS. Haist.
Humarap ako sa may TV namin. I watch them perform their latest songs. Halos mabingi na din ako sa lakas ng sigawan ng mga fans.
Niyugyog naman ako ni Tzuyu pero narealize niya yata na kagagaling ko lang ng hospital kaya agad siyang nag sorry sa akin.
After magperform ng BTS ay mukhang iinterviewhin sila. Comeback special yata nila kaya parang may pagkavariety ang dating ng show nila.
"Good day!" bati ni Namjoon sa mga fans. I heard their fans shouted their chants. Natawa naman ang BTS. "Thank you for supporting our new song."
"Ate alam mo ba yung bago nilang kanta?" tanong ni Tzuyu.
Nagkibit-balikat lamang ako. "Yung kanina?" tanong ko naman sa kanya.
Tinanguan naman niya ako. "Sobrang happy at nakabalik na kami para makapagperform." I know that it's Jin.
I heard a thousand applause. Miski nga ang magaling kong pinsan ay kasali din sa tagapalakpak.
Seeing this guys again makes me feel contented and happy. Nakakamiss din talaga sila. Kaya pala walang kontra ng may lumabas na balita tungkol sa amin ni Taehyung dahil panaginip lamang pala.
Ibang klase yung panaginip ko. Ang sakit sakit ng panaginip na iyon. I know that dream will never come back. Nagising na kasi ako sa realidad.
"May thin line talaga ang fan girls and their idol." bulong ko naman.
"Thin line ate? Ikaw ha, fan ka din ng BTS no?" segway naman ni Tzuyu sa akin. Nakikinig pala ang bruha sa akin.
"Taehyung, you're smiling all day! May ano?"
Nakuha naman noon ang atensyon ko. He's always been the same. Naiba lamang ang kulay ng buhok niya at mas lalo siyang naging gwapo. He can make my heart beats faster.
"Secret. I'm just happy." He said. Naghiyawan naman sila Jimin. I don't know pero gusto ko malaman yung dahilan ng pagiging masaya niya. Gusto kong malaman kung kumusta na siya?
"Why? May nagpapasaya na ba sayo?" Takte. Hardcore magtanong si Suga. Nakakainis. Tsk.
Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Tzuyu. "Di pa tapos ate. Tapusin muna natin to." She said. Pinaupo niya ulit ako sa may tabi niya.
"Maybe?" Taehyung said. Grr. Nakakainis talaga. May pamaybe-maybe pa siyang nalalaman. Pwede namang oo o hindi ang sagot.
At sino ang nagpapasaya sa kanya? Yah. Mamamatay na ako sa curiosity.
"Ate okay ka lang? Galit ka ba?" tanong ni Tzuyu pero umiling lamang ako.
Nagchant naman yung mga fans nila. Yung iba ay parang curious at nagpapanamedrop.
"You'll know soon." Ang lakas makashowbiz yung sagot niya sa tanong sa kanya.
I even saw Jungkook playfully hit his arm. At ayun nag-asaran na silang lahat.
"Ate, ano ka ba. Ganon talaga ang trabaho ng isang fan girl. Ang intindihin ang idol nila kasi yun ang maiibigay natin bilang suporta sa kanila. Ayaw ko man dumating yung point na pakawalan sila, hindi naman sila pwedeng forever alone ang peg. They deserve to be happy."
Binatukan ko naman si Tzuyu. "Ang dami mong alam. At alam ko naman iyon Tzuyu. Hindi habang panahon ay idol sila and they deserve to be happy. Hay nako, tama na nga ang drama at kumain na tayo." I said to her.
Bago ko i-off yung TV ay pinagmasdan ko muna siya. Seryoso siyang nakatitig sa camera at feeling ko (dahil assumera ako) ay sa akin siya nakatingin. Pagbigyan niyo na ako,last na ito.
Last na nga ba?
BINABASA MO ANG
Imaginary |Kim Taehyung
Short Storybangtansonyeondamn series 1: Completed «Yoona x Taehyung» "What's your greatest fear?" he asks. "To be forgotten," I tell him. "But not just that. To be forgotten by a person who could I never forget." ©2017