O

277 26 0
                                    

O: Oh Fangirl Profession...

---

Yoona's Point of View

Pumasok ako dahil last day na bago yung Christmas break. Halos yung mga classmates ko ay tinanong kung ayos lang ako. Miski nga si Irene ay mukhang bumait na ng 1% kasi hindi pa siya nagcocomeback sa harap ko eh.


"Yoona!" sabay yakap ni Sunny sa akin. I hugged her back. Namiss ko sila! "Salamat at pumasok ka huhu." Uy, buti pa sila namiss ako. 


Eh siya kaya?


Fck Yoona. Move on din pag may time! 


"Yey, buo na ulit tayo." natatawang sabi ni Fany. Nag group hug namang kaming siyam. whoa, OT9 is real!  Mga sir ulo talaga sila kahit kelan. 


Nagdecide din yung section namin na ganapin na ngayon yung party namin. Malapit na kasi ang Christmas break.  "Yoong, damihan mo ang kain ha." bulong naman ni Sooyoung.


"Katakawan mo." I said with a grin. Umirap lamang siya sa akin na parang hindi pa niya tanggap yung sinabi ko.


"Excuse me? Coming from you?" sagot pabalik ni Sooyoung. Oo alam ko na na matakaw ako! Kailangan talagang ibroadcast? 


"Chismis ba yan?" pangchichika ni Hyoyeon sa amin. Medyo chismosa lang naman yung mga kabarkada ko. Mga 99.9% chismosa sila.


"Eonni, may chismis kang dala?" Tingnan mo tong si Seohyun, nahawahan na nila Hyoyeon. Nagbeauty rest lang ako ng ilang buwan ay nagevolve na si makne.

Umiling naman ako. "Wala no." mabilis kong sagot.

Nagtaas naman ng kamay si Jessica. Mabuti nalang at nasa isang sulok na kaming siyam. "Eh sino si Taehyung?" She asked.


Taena. Hardcore magtanong si Jessica! Wala man lang ba pabebe effect?


Halos masamid naman akoat hindi ko nakeri yung tanong niya kaya inabutan ako ni Taeyeon ng tubig. "Hala, okay ka lang?" She asked. Hinagod niya din ang likod ko.


"Ikaw Yoona, pinagpalit mo na ba ako?" Isa pa itong si Yuri na malakas ang trip.


"Taehyung?" tanong ko naman. Oh men. Hanggang dito talaga ay sinusundan ako ng pangalan niya. "Tsk. Wala lang yun." pagdadahilan ko naman.


"Oo na guys, si Taehyung yun ng BTS. Namiss ko kasi siya kaya tinatawag ko ang pangalan niya. He makes me happy. And I have no regrets to go out with him." 


Alangan naman na yun ang isagot ko? Kung pwede nga lang, diba?


"Si Taehyung yan ng BTS no?" Sunny said. Shemay naman. Kailangan ba nila na ulit-ulitin yung pangalan niya? 


"Totoo ba yun Yoona? Kilala mo siya?" takang tanong ni Taeyeon sa akin. Hinihintay naman nila yung sagot ko. Haist. Ganoon ba talaga ako kawalang interes sa mga lalaki?


Ngumisi naman si Jessica. "Crush mo siya no?" She teased. Hahampasin niya ako pero inunahan ko na siya sa gagawin niya.


Tumikhim naman ako. "Hindi ah." tanggi ko naman sa tanong niya. Hindi ko crush si Taehyung. Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa kanya.


Kasi alam ko na higit pa doon iyon.

"Napanood mo ba yung comeback special nila? May nagpapasaya na pala sa bias mo." Hindi talaga ko tinigilan nila Sooyoung. Pinagdiinan talaga nila na bias ko si Taehyung.

'Hanggang fan nalang ba talaga? Ang saklap pala.'


Mukhang doon na nga ang bagsak ko. Ang tingan na lamang siya sa malayo. Hu, this fan girl profession is really challenging!


"T-taeyeon ang sinasabi ko nung tulog ako." pangungumbinsi ko sa kanilang lahat. Alam ko naman na hindi iyon effective na pangungumbinsi!


Taeyeon crossed her arms. "At bakit mo naman ako tatawagin?" She asked curiously.


Mas lumapit naman sila akin. "K-kasi sa panaginip ko..singlaki ka lang ng pinky finger ko!" Yan ang mga salita na lumabas sa bibig ko.


Babanatan na sana niya ako pero pinigilan naman nila Fany. Eh siya lang kasi ang may katunog na pangalan ng lalaking iyon. Jusko. Pati sa real world ay hindi ako tinitigilan ng pangalan ng lalaki na iyon.


Wala bang day-off Taehyung? 


Wala bang day-off na hindi ko maririnig ang pangalan mo? Everyone knows you. Kilala din naman kita pero mahirap sabihin sa kanila na close tayo kasi wala namang ganon.


Baka nga hanggang fangirl profession nalang ako. 


---

A/N: Guys!! It's been a while. I'm a little bit busy in school stuff. I'll update as soon as I can. Thank you!!


Laters XX


Imaginary |Kim Taehyung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon