A

320 28 2
                                    

A:  A Christmas to remember

Date: December 25, 2017
Place: Yoona's residence

---

Yoona's Point of View

"Yoong!"

Naalimpungatan naman ako sa sigaw na narinig ko. Parang galing yata sa baba, sa may sala. I mentally cursed. Nasa kasarapan na ako ng tulog ko eh tapos sinisigaw na naman nila ang pangalan ko.

"Yoongie.."

Napadilat naman ako dahil sa bwisit na nickname na iyon. Asar talaga.

Kinakalimutan ko na nga eh tapos hindi naman masunod-sunod. Aish. Bawat yata tingin ko sa sulok ng kwarto ko ay nakikita ko siya. Malala na talaga ako.

Mag-iisang linggo na din simula ng magising ako pero may part pa din sa isip ko na hindi ko kayang tanggapin ang lahat.

"Sa wakas! Anyare sayo?" takang tanong ni Taeyeon sa akin.

"Teka, bakit nandito kayo?" balik kong tanong sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin. "Yung totoo?"

"Eh masama bang dalawin ka?" tanong naman ni Sooyoung. Kita ko naman agad yung plato niya. Grabe, di talaga siya tumataba.

"Ako ba ang habol mo o yung pagkain?" direstsa kong tanong sa kanya. Imbes na sumagot ay tumawa lamang siya sa tanong ko.

"Oh, para sayo." May kung ano naman na inabot sa akin si Fany. "Pinaabot ng kuya Suho mo." She said.

I frowned. "Pinaabot ni Kuya Suho? Sayo pinadaan?" As much as I remember, hindi close si Kuya Suho at si Fany. "Kelan pa kayo naging close?" I asked her. Pinaningkitan ko pa nga ng mata si Fany, para matakot. Tsk. Di naman effective yun.

I saw her blush after I said. Alam na! Mukhang may hindi naikwekwento sa akin ang magaling kong pinsan.

Yeah, I have cousins who are artists. Yung sobrang sikat na and that's Exo. Pinsan ko si Kuya Kris and Kuya Suho. Since wala akong kapatid ay sila na ang tumayong mga kuya ko.

Masasabi ko na close ko naman ang group niya pero ayaw akong iwanan ni Kuya Kris na mag-isa kapag nandyan yung Exo. Ewan ko ba dun, ayun tuloy ang awkward minsan.

Pero katropa ko talaga sa kanila ay sila Chen, Baekhyun, Dyo, Tao, Kai at Lay. Yung iba ay nagkakautal-utal ako kapag kaharap ko na kaya hindi nalang ako nagsasalita. Nakakaintimidate kasi yung iba, at baka mag-isip pa si Kuya Suho nang chismis.

Binuksan ko naman yung paper bag na dala ni Fany. "Unan?" tanong ko naman.

"Eh mahilig ka kasing matulog. Pero wag kang matutulog ng sobra." paalala ni Jess sa akin. Parang mas bagay sa kanya yung unan kaai mas mahilig siyang matulog sa amin.

"Halos ikabaliw namin yung hindi mo muntik na paggising." Sunny said with a sad smile.

I smile at them. "Hindi na po mauulit. I promise." pangako ko naman sa kanilang lahat.

"Hold on to that promise."

I looked at the person who shouted. Nakita ko na nakatayo si Kuya Kris sa may pintuan namin. Nagmistulang bata naman si Kuya Suho dahil maliit siya compared kay Kuya Kris.

"Kuya!" bati ko sabay takbo sa kanilang dalawa. I hugged the both of them. They chuckled at my actions. "Ang aga niyo yatang walang schedule?"

Ginulo naman ni Kuya Kris yung buhok ko. "Nah. Mas masaya kapag dito kami nag Christmas and New Year." He said.

"Yoona!!!" rinig kong sigaw ng mga repapips ko. Sinalubong ko sila ng tig iisang batok. "Aray ko naman." Chen said.

See? Parang normal lang naman din silang tao lalo na kapag kasama ko sila.

I secretly looked at Taeyeon na hindi na yata gumagalaw sa isang tabi. Alam niyo naman, fangirl feels.

"Baekhyun, tumangkad ah." komento ko naman sa katabi ko.

"Aish. Baka naman hindi ka pa okay Yoona?" natatawa niyang sabi sa akin.

Ang mga kaibigan ko naman ay hindi nagsisigalaw. Hindi naman kasi nila alam na dadalhin nila kuya yung buo nilang grupo sa bahay namin.

"Mga kuya ko at Exo! Mga kaibigan ko nga pala." panimula ko naman sa kanilang lahat. They all looked at me. Shet. Sana hindi ako mautal. I pointed out Sunny. "Siya si Sunny."

Nag wave naman si Sunny. I even saw Xiumkn wink at my friend. Iba ito.

"I'm Sooyoung." magalang na pakilala niya. In fairness, binitawan na niya yung hawak niyang pagkain kanina.

At kita ko naman si Tao na kilig na kilig. Wala eh, sila na maganda ang lovelife.

"Jessica Jung." Jessica said with a smile.

Nagstepforward naman si Fany. "Hello, I'm Tiffany." She said sabay eyesmile.

Tinapik ko naman si Seohyun na mukhang nahihiya., "Seohyun nga pala." magalang na sabi niya.

"Hyoyeon here." pakilala naman ni Hyoyeon. "Familiar ka." She pointed out Lay.

Lay just smiled. "Yeah. I'm a judge to a dance contest that you had participated." Oh, kaya naman pala. Hmm, parang bagay silang dalawa? Hehe

"Yuri Kwon." Yuri said. I heard Kai chuckled kaya naman umirap kaagad si Yuri sa kanya.

"Taeyeon." She simply said. Namumula na po siya ngayon at kapag hindi na niya nakayanan ay yayakapin nalang niya bigla si Baekhyun.

Inakbayan naman ako ni Dyo. Mabuti nga at naabot niya ako eh. "Kumusta ka na Yoona?" He asked.

Tinanggal naman ni Kuya Kris yung pagkakaakbay sa akin ni Dyo. Inilipat niya din ako ng pwesto sa pagitan ni Luhan at Chanyeol.

Hindi ko naman alam ang gagawin ko kasi parang hindi nila ako feel na katabi. Harujusko.

"Kain muna tayo." paanyaya ni Kuya Suho.

Pumanhik muna ako sa kwarto ko habang dala yung nakuha ko mula kay Kuya Suho. Bakit naman niya ako bibigyan ng unan? Chichikahin ko siya mamaya.

Nang makita ko naman yung notebook ko sa may table ko ay kaagad ko itong kinuha. Baka iraid nila Hyoyeon yung kwarto ko at makita nila yung notebook ko na ito.

I wrote what happened during that time. Yung nangyari sa buong panaginip ko.

"Yoona?" I looked at Kuya Suho. "Tara na sa baba, kain tayo." aya naman niya.

Ipinakita ko yung unan na bigay niya. "Bakit mo ako binigyan nito kuya?" takang tanong ko sa kanya.

Napatsk naman siya pero ngumiti din naman agad. "Wala lang. Eh para remembrance. Keep that pillow. Lucky charm yan." sabi naman niya sa akin. "Here." may inabot pa siyang maliit na paperbag sa akin.

"Para saan ito?" I asked.

Nagkibit balikat lamang siya. "See for yourself." He said with a smirk. Bumaba naman  na siya sa may sala kaya hindi ko na siya nahabol.

Binuklat ko naman yung paperbag at nakita ko na may maliit na box doon. Nang buksan ko ito ay nagulat ko dahil ang laman niya ay isang necklace.

A necklace...

A dreamcatcher necklace to be exact.

Nanaginip na naman ba ako?

----

A/N: Hello guys. It's been a while!!! Huhu. I'm super busy but I promise babawi ako sa inyo next week. Medyo hell week lang talaga.

Anyways, advance happy holiday!!

Laters XX

Imaginary |Kim Taehyung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon