A

342 29 2
                                    

A: Alphabet anywhere

---

Yoona's Point of View

"Dalian mo Yoona!" sigaw naman ni Yuri. Napaka like a boss naman niya today. Dumiretso kami sa Audi. Hindi ko alam kung ano ang ganap doon.

"Tsk. Oo na!" sigaw ko naman sa kanya. Habang papalapit kami sa audi ay nakita ko kung gaano kadaming tao. "May fire drill ba?" tanong ko kay Yuri.

Umiling nalang siya at tumawa. Ge, parang nagjojoke kasi! "Basta." She said while dragging me.

Wala pang five minutes ay nakarating kami sa Audi. Binigyan naman niya ako ng number. "Ano naman to? Sasali ba ako sa beauty pageant?" sabi ko naman.

Nagfacepalm nalang siya. "Aish. Nandoon na yung iba sa fan meeting."

Napataas naman ang kilay ko. "What? Anong fan meeting?" takang tanong ko. Hindi naman ako ready sa kagagahan ng mga kaibigan ko. Ibang klase talaga!

Pilit naman niya akong pinasok sa audi. Nasa pinto palang kami ay rinig ko na ang sigawan.

Shet.

May rally na nangyayari.

Kailagan ko yatang umalis dito.

Pagkapasok naman ay sapilitan akong hinatak ni Yuri papunta sa bandang unahan. Kita ko naman ang umiilaw na buhok ni Hyo na blonde. "Sa wakas." sabi naman nila.

Pinaupo naman ako ni Jessica at inabutan ng pagkain. "Ayan para manahimik ka. Behave ka lang diyan!"

Umoo nalang ako lasi nakafocus na ako sa pagkain. "Ano bang meron?" tanong ko naman.

"Good day students!" Nagulat naman ako sa nagsalita. Napatingin ako sa stage ng Audi. "Make some noise!" Agad naman na naghiyawan yung mga tao sa loob.

Pansin ko na halos babae ang nandito. Hinila ko naman paupo si maknae at Sunny. "Aish. Maupo nga kayo." I said to them. Hindi pa rin sila nagpatinag.

Aba matinde.

Naririndi na ako sa nangyayari. Walang sinabi ang earphones ko sa kanila. Hype talaga. "Hindi ka ba mauubusan ng boses?" pigil ko may Yuri na ayaw papigil.

Taena. Uuwi na ako. "Wag kang magtangkang umalis Yoona." banta naman ni Fany.

I rolled my eyes at umupo na ako sa upuan. Nairita naman ako sa host kasi sabi niya make some noise, ayun puro noise na ang nagawa ng lahat ng tao dito.

"Ano bang kagaguhan to?" tanong ko naman.

Ngumiti sa akin si Jessica. Oh, may hindi magandang mangyayari. "Makikita mo na ang boyfriend mo."

Ano daw? "Ha?" takang tanong ko sa kanya.

"Si V."

Taena. Hanggang dito ay may alphabet?

---

Imaginary |Kim Taehyung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon