Imaginary
---
Yoona's Point of View
Araw-araw akong binibigyan ng pasalubong ng Exo. Ewan ko ba, hindi ko naman birthday! Bumabawi daw sila sa akin kaya naman tinanggap ko nalang. Pero ang magagaling kong so called friends ay mga pinagkukuha kapag nalaman na sa mga crush nila galing!
"Yoona, halika at aayusan ka na namin." Napasimangot naman ako sa sinabi ni Fany. Nagtago naman ako sa may ilalim ng kama ko. "Nako, gagalingan mo ang pagtatago. Nakalabas yung paa mo." natatawang sabi niya sa akin.
I sighed then lumabas na ako kung saan man ako nagtatago. I saw my friends who are eyeing me from head to toe. "Taena Yoona, lumapit ka na dito o gagamitan ka namin ng dahas." pananakot naman sa akin ni Hyoyeon.
Hindi naman ako umimik. I scanned the whole room checking for emergency exit kung saan pwede ako dumaan pero laking gulat ko nang makita ko si Sooyoung at Yuri na nakabantay doon.
Umiwas ako ng tingin at lumipat ako ng tingin sa bintana. I saw Sunny and Seohyun waving their hands at me. Alam na alam na nila yung binabalak ko!
Ugh. Walang takas. Hype talagang party na yan!
Wala ako sa sariling nagpahila kay Fany. Pinaupo na niya ako sa isang upuan at may salamin sa harap. "Goddess Yoong! Here we go!" sigaw ni Taeyeon na ikinagulat ko naman.
Goddess daw? Jusmiyo. Eh nahiya naman ako sa beauty nilang lahat!
After ng halos dalawang oras na pag-aayos ay natapos din sila sa pagtorture sa akin. I carefully opened my eyes at nagulat ako sa nakita ko. "Whoa, sino yan?" manghang tanong ko sa kanila.
They all looked at me then laughed. I heard Jessica gasped. Lumapit siya sa akin at ngumiti. "Iba talaga ang masterpiece natin." She said proudly. May ibinigay naman siya sa akin na box. "Suot mo yan." she said.
Nang buksan ko naman ito ay nakita ko yung necklace na bigay ni Kuya Suho. "Kambs! Eto na yung dress mo!" sabay pakita ni Yul sa akin ng black dress na backless. Wait, hindi ko yata kaya yung isusuot ko na yan. "Sige na! Si Sooyoung at Fany ang pumili niyan."
Nakita ko naman na ngising-ngisi si Sooyoung at Tiffany. Kinuha ko naman yung damit na bigay ni Yul sa akin. Pumunta naman ako ng CR para isuot ang damit. Hindi talaga ako sanay ng ganito pero minsan lang naman at birthday naman niya..
I sighed. Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko na nakatayo si Kuya Suho at Kuya Kris. Mukhang inaabangan nila ako. Nang magtama ang mga mata namin ay napakunot ang noo nilang dalawa. "Who gave you that dress?" mukhang inis si Kuya Kris.
"We're going in trouble." bulong naman ni Kuya Suho. Sinipat naman nila yung suot ko. Ano bang nangyayari? "Yoona, alam namin na dyosa ka na pero bakit sumobra yata? Aish, hindi na naman kami titigilan nito!"
Tinapik ko naman sila sa balikat. "Mga sira ulo kayo kuya." naiiling na sabi ko naman. Umikot-ikot naman ako sa harap nila. "Fyi, minsan lang ako magpakadyosa kaya susulitin ko na!" I said with a grin.
"Nangbrabrainwash ba kayong dalawa?" tanong naman ni Tzuyu sa mga kapatid niya. Lumapit naman siya sa akin at nagheart sign. Mas baliw talaga ang kapatid nila. "Wahh! Ang ganda mo talaga eonni!" She exclaimed. Siya din naman ay maganda! Well, nasa lahi talaga namin. Lol.
Nauna na yung ibang Exo sa may venue. Hindi ko naman alam kung saan yung party pero mukhang malaking event kasi todo bihis yung mga pinsan ko. Palagi naman akong inaaya ng mga pinsan ko sa ganito pero hindi naman ako sumasama dahil mas gusto ko sa bahay.
Sumama ako ngayon dahil baka lalo lang akong malungkot kapag inisip ko pa yung mga bagay ba iyon. At magiging masaya naman ako dahil kasama ko ang mga baliw kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
Imaginary |Kim Taehyung
Short Storybangtansonyeondamn series 1: Completed «Yoona x Taehyung» "What's your greatest fear?" he asks. "To be forgotten," I tell him. "But not just that. To be forgotten by a person who could I never forget." ©2017