D: Dream catcher
---
Yoona's Point of View
"Eonni!" That probably Seohyun. Sumisigaw pa din siya? Hindi ba siya napagod?
"Yoona!" Isama mo pa si Taeyeon na mukhang tinatawag ang pangalan ko. Name calling game ba ang ginagawa namin?
I opened my eyes at walong pares ng mga mata ang nakita ko. Oh, nasaan ba kami at bakit ganyan sila makatingin sa akin. I even saw Jessica cries! Takte, malala ba ang mga naging pangyayari sa amin?
"Yoona, okay ka na ba?" tanong ni Sunny sa akin. Nakita ko na halos lahat sila ay naghihintay ng sagot ko.
"Yep. Masakit lang yung sabunot ni Irene." I said with a smile. Inayos ko pa nga ang buhok ko bago ulit magsalita. "Kayo ba, di ba kayo nasaktan?" tanong ko sa kanila.
I let out a sigh. Mukhang okay naman silang lahat dahil wala naman silang natamong kahit anong galos o sugat sa ginawa naming riot sa school.
"Ha? Gutom ka ba?" tanong naman ni Sooyoung sa akin. Hinipo pa niya ang noo ko kaya tinapik ko naman ito.
Umiling naman ako sa kanila. "Realtalk guys, okay ba kayo? Walang masakit sa inyo?" nag-aalala ko na tanong sa kanila. Kasi naman, nadamay pa sila sa away ko. Pero hindi na din kasi tama yung mga sinabi ni Irene. Tinatapakan na niya yung pagkatao ko.
Hinawakan naman ni Jess ang kamay ko. "Nakahigh ka ba, Yoona?" tanong niya.
High? "Baliw ba? Anong high ka dyan." natatawa kong sabi sa kanila. Mukha ba akong nasisiraan ng bait?
Tumikhim naman si Fany kaya napatingin ako sa kanya. "Kanina ka pa kasi choppy Yoona. Hindi ka naman magets." Natatawa niyang sabi sa akin.
"Ano bang choppy sa sinabi ko?" takang tanong ko sa kanilang lahat. Sila nga din ay choppy din ang sinasabi.
"Lahat." maikling sabi ni Hyoyeon. "At anong sabunot ni Irene?" She asked curiously.
"Teka nga, nasaan ba tayo?" tanong ko pamaya-maya sa kanilang lahat.
"Hospital" Taeng said with a sad smile. Oh, nadala ba talaga ako sa hospital dahil sa away namin nila Irene? Ang lala naman pala nito.
"Hinimatay ba ako dahil sa pagbangag sa ulo ko?" tanong ko naman sa kanila. They all just looked at me. Naweweirduhan na talaga ako sa kanilang lahat.
"Yoona, wala ka namang lagnat. Nagdedeliryo ka na ba? Dinala ka dito kasi bigla ka nalang hindi gumising noong nasa canteen tayo." Yuri said.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Canteen? Anong canteen? Eh nakipag-away tayo kanina kila Irene kanina." sagot ko naman sa kanya.
"What?" sabi naman ni Hyoyeon. "Girl, may hang-over ka ba sa tulog?" She asked.
Hindi ko sila magets. Naguguluhan na ako.
"Naguguluhan ka ba?" pamaya-mayang tanong ni Sooyoung sa akin. I nodded in response.
"You've been asleep for almost two months Yoona eonni."
What?
Kinapa ko naman ang ulo at wala itong benda. I'm just wearing my hospital gown. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko. I saw a mini bulletin board at may mga messages doon. May mga flowers din sa may table.
Napatakip naman ako ng mukha. My whole body is trembling. Naiiyak ako sa frustrations.
"I'll call the doctor." Mukhang nagpapanic na sila dahil hindi ko mapigilan na hindi umiyak dahil sa sinabi nila sa akin.
Rinig ko angg pagbukas ng pinto ng kwarto ko. May isang magandang babae na lumapit sa akin. "Hi Yoona, I'm Dr. Kim." pakilala niya. "I'll check you up." Itinapat naman niya yung flashlight sa mata ko.
"I-is that t-true? T-that I've been asleep for almost two months." I mumbled.
"Your eyesight is fine." She pointed out. "Rest, Yoona. I'll answer your questions later." nakangiti niyang sabi sa akin.
Lumabas na din sila Taeyeon dahil kailangan ko daw ng pahinga. Pinagmasdan ko yung sitwasyon ko ngayon.
Binasa ko naman yung nasa mini bulletin na malapit sa table ko.
"Please wake up beautiful." -Kuya Suho
"We miss your pranks. Come back Yoona!" -WYF
"Girl, hindi ka si Sleeping Beauty, akin ang title na yon." -Chennie
Napangiti naman ako sa mga simpleng message nila sa akin. Mukhang pinag-alala ko silang lahat. I smile sadly, hindi ko alam kung matutuwa ako na nagising na ako o sana hindi nalang natapos yung panaginip na iyon.
May kumatok naman sa kwarto ko. "Yoona, I wanted to give you a lucky charm." She said. Tumango naman ako sa kanya. "Take this." Isinuot naman niya yung bracelet sa akin.
"A dreamcatcher.." bulong ko naman.
"Yeah. It will make bad dreams disappear, Yoona. Take a rest first then we'll talk later." paliwanag naman niya sa akin.
Bad dreams huh? But I had the most beautiful dream in my entire life.
"Thank you Dr. Kim." I said sincerely.
"You're always welcome Yoona." She said.
BINABASA MO ANG
Imaginary |Kim Taehyung
Short Storybangtansonyeondamn series 1: Completed «Yoona x Taehyung» "What's your greatest fear?" he asks. "To be forgotten," I tell him. "But not just that. To be forgotten by a person who could I never forget." ©2017