Y: You're mine
---
Yoona's Point of View
Hinila ko si kuya na di ko kilala sa isang tabi. Sobrang ingay pa rin sa loob ng audi. Nakita ko naman yung mga kasama ni kuya ay nagtataka sa ginawa niya.
Sinong hindi magtataka? Eh ikaw ba naman ang sabihan niya ng, 'mine.' Narinig ko din ang malakas na tibok ng puso ko.
"Teka lang kuya. Hindi kita kilala." sabi ko agad sa kanya. "At anong mine? May boyfriend na ako." mataray na sabi ko sa kanya.
Tiningnan niya lamang ako. Shet. Bakit bagay na bagay sa kanya yung bandana? Hindi yata ito makatarungan! Nadidistract ako tsk.
He just stared at my face. Nagulat ako ng hawakan niya ito na parang iniinspect. Aya! Ano ba ito? Namumula na ako sa kahihiyan. "A-ano ba!" Nagkautal-utal na ako sa pagbawal sa kanya. Shet. Di ko ito personality.
"Yoona.."
Tangna.
Yung puso ko lumabas na sa katawan ko.
Napapamura na tuloy ako ng wala sa oras. Sorry Lord. Bakit kasi may ganitong klaseng lalaki na kahit anong angulo ay ang gwapo.
"K-kilala m-mo ako?" Diba, may speech defect na ako agad. "At b-bakit ka change topic? M-may b-boyfriend na ako." Sana kagatin niya ako este yung sinabi ko. Shet. Ang gulo ko na.
He chuckled. Girl, bakit ang lalim ng boses niya. Waah, natatakot na ako. Baka kung ano magawa ko sa kanya nang di oras at ikamatay ko din ngayong oras.
"You have a boyfriend." natatawa niyang sabi. Wait, did he just insult me? Bakit hindi ako pwedeng magkaroon? Bawal ba!?
"Eh kung sabihin kong oo?" I replied with a smirk. Tsk. Ano akala niya sa akin. Walang boyfriend? Tsk. Wala talaga akong boyfriend pero ssshhh lang kayo. Inaapakan na niya ang pagkatao ko.
"I know. You have one." Eh alam naman pala niya tapos tinatawanan niya pa ako.
"Pano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya sa akin. Ay kuya, wag ako. Nakakainlove yung ngiti niya! ERASE YUNG SINABI KO! I need to focus! Kaya ko ito. "I am that one." He replied.
Ha?
Ano daw?
"Ano kamo?" ulit ko sa choppy niyang reply.
"I'm your boyfriend. I'm Taehyung Axl." He said with a grin. Gago, totoo ba to?
"Ikaw?!" sigaw ko kaya agad niyang tinakpan ang bibig ko. Nakita ko na lumingon sa amin yung mga kaibigan niya. Inalis ko yung pagkakahawak niya sa akin.
Kasabay ng sobrang bilis na pagtibok ng puso ko ay siya ding tunog ng phone ko.
I frowned when I read the messages.
----
Taehyung Axl
Girlfriend.
Hi.
I'm in front of you.
Seen
----
*le died
BINABASA MO ANG
Imaginary |Kim Taehyung
Short Storybangtansonyeondamn series 1: Completed «Yoona x Taehyung» "What's your greatest fear?" he asks. "To be forgotten," I tell him. "But not just that. To be forgotten by a person who could I never forget." ©2017