Y: Yuri's magic word- Libre kita
---
Yoona's Point of View
Natatakot akong magbukas ng messenger. Kaya naggoogle nalang ako ngayon.
I type the word V. Pero imbis na letra ang lumabas ay tao. Ibang klase na ang mundo.
Nagpunta ako sa pictures. Nagsave ako ng isa para itatanong ko kila Taeng kung ito yung ginamit nilang picture ng boyfriend ko. Eh sino ba naman ang maniniwala na boyfriend ko yung isang kpop star? Na napakaraming fans club. Edi mamatay ako sa death threats?
At isa pa, mukhang anime yung ginawang imaginary boyfriend ko. Langya talaga.
Isa isa kong babatukan sila Sooyoung kapag nakita ko siya.
Tumunog naman yung phone ko. Ayoko sanang magbukas pero nagchat si Yuri.
---
6:41 pm
CharYul
Yoona!CharYul
Saan ka?CharYul
Kain tayo!Seen
Yoona
Tinatamad ako.CharYul
Libre kita. ❤Yoona
Oh?Sige sige.
Saan ba tayo kakain?
CharYul is typing...
CharYul
Putspa pala.Baba ka nalang.
Nandito na ako sa gate niyo.
Seen
Yoona
Andyan ka na agad?Bilis pala.
Parang anino.
CharYul
Gaga.Hindi ako anino.
Seen
---
Bumaba naman ako para sunduin ang bruha na yon.
"Oy! Tara na. Punta tayo sa park. Foodtrip tayo." sabi niya sa akin sabay hila sa akin. Mabuti nalang at dala ko yung phone ko.
"Teka baka hanapin ako ni eomma." sabi ko naman.
"Pinagpaalam na kita!" She said sabay kindat sa akin.
Kahihila ay nakarating kami sa park na dalawa. Nakakatuwa kasi ang daming foods at nagsparkle ang mata ko hehe.
"Yoona, nakikita mo ba ang nakikita ko?" tanong naman niya sa akin habang busy ako sa pagpili ng pagkain.
"Hindi." Hindi ko naman siya pinansin kasi kumakaway na sa akin yung pagkain.
Sinaway naman niya yung kamay ko kaya napatigil ako at humarap sa kanya. Ngumuso naman siya sa akin. "Tara na!"
Hinatak na niya ako na parang walang bukas.
"Yuri, paano kapag nakachat mo yung tao sa tv." random na tanong ko sa kanya.
"Ano? Yung tao sa tv? Ibig sabihin sikat? Hmmm, eh di hihimatayin ako. Kelan pa sila magbibigay ng oras para sa akin. Kahit na maganda ako ay iba pa rin ang mundong ginagalawan namin!"
Ang haba ng sinabi niya!
"Bakit kapag kayo ni Kai ang magkachat ay hindi ka hinihimatay?" tanong ko. Oops, mali yata tung tanong ko sa kanya. "Love you Yuling!" paalam ko sa kanya sabay takbo.
Napakaindenial talaga ni Yuri kahit kailan. Sana naman magkausap na sila ni Kai at maayos na ang dapat nilang ayusin.
---
BINABASA MO ANG
Imaginary |Kim Taehyung
Short Storybangtansonyeondamn series 1: Completed «Yoona x Taehyung» "What's your greatest fear?" he asks. "To be forgotten," I tell him. "But not just that. To be forgotten by a person who could I never forget." ©2017