Prologue

4.4K 72 6
                                    




Si Snow White
may Prince Charming

Si Sleeping Beauty
may Maleficent

Si Princess Fiona
may Shrek

Si Elsa
may Anna.


True Love comes in
all sizes and shapes,
in any ways, in any means.
Sa istoryang ito,

Si Beauty...

she's saved from the beast...

and found her
knight in shining armor instead.

-----

"Mahal mo?" tanong niya.

Nakaupo kami ngayon sa isang mababang pader habang nakatingin sa dalawang taong mahalaga sa akin.

Hindi ako sumagot ngunit nginitian ko lang siya. Marahil ay alam niya na ang sagot sa tanong niya.

"Bakit hindi mo sabihin?" dagdag niya.

Napaisip ako, bakit nga ba? Dahil ba sa bestfriend ko? O dahil na din mismo sa kanya?

"May magbabago ba kung sasabihin ko sa kanya?" tanong ko.

"There are endless of possibilities." sagot niya.

"Hindi ako ang bida sa istoryang ito. Hindi ako yung bad person na mamahalin nung prinsesa. Ako lang yung sidekick slash bestfriend nung bad person na maaring maging takbuhan ng kanyang prinsesa, ngunit kahit kailan...







... kahit kailan hindi ako ang taong mamahalin niya. Anino lang ako." tugon ko sa kanya at tumayo na sa kinauupuan ko.

Bago ako tuluyang lumayo ay lumingon ako sa dalawang taong importante sa akin.

"The only thing constant in this world is change, malay mo kayo pala talaga." sagot niya.

Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy ng maglakad.

"Kahit anong mangyari, nandito lang ako para sa kanilang dalawa. Kahit gaano kasakit, titiisin ko. Wag lang malayo ang isa sa kanila." ngumiti ako ng pilit.

Masaya ako para sa kanila.

Ngunit may lungkot akong nararamdaman dahil hindi ako ang bida.

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon