Chapter 35 w/ *HoRey*

1.6K 44 136
                                    


*********************
Unwanted Feelings
*********************

R A C H E L

Isang linggo ko ng iniiwasan si Mika dahil naguguluhan ako kung bakit. It's been a month simula nang makauwi sila from training sa SG at next week ay lilipad ulit sila para sa game nila. Sobra akong naguguluhan kaya I'm trying to assess kung ano ba itong nararamdaman ko.

Bakit hindi ako mapakali pag nariyan siya?

Bakit hindi ako makahinga pag sobrang lapit niya sa akin?

Bakit naninikip ang dibdib ko kapag magkasama sila ni Gretch?

Am I jealous?

No. This can't be!

"Aray!" singhal ko dahil binato ako ng kutsara ni Den. Nasa cafeteria kasi kami ngayon.

"Girl kanina ka pa kinakausap ni Mika."

At nagpanic ang puso ko, napatingin ako sa tinuro ng labi ni Den at nandun nga si Mika. Heto nanaman ang puso kong kumakabog kabog. Kahit wala akong ginagawa ay feeling ko nagtataksil ako.

She smiled at me, and feeling ko tumigil sa pagtibok ang puso ko sa nangyari, mamamatay na ata ako.

"Rachel? Hello?" Kinaway kaway pa ni Den ang kamay niya sa harapan ko.

"Ha?"

"Ano na? Tititigan mo na lang ba si Mika?" natatawang sabi nito kaya nahiya ako bigla.

"B-bakit?" utal kong tanong kay Mika, wow.

"Nasayo yung susi ko diba? Kunin ko lang, baka gabihin kami ni Gretch eh." nakangiti niyang sabi dahilan para makaramdam nanaman ako ng paninikip nang dibdib.

"Okay ka lang?" Tanong niya dahil napahawak ako sa dibdib ko.

"Den tubig." nag aalalang sambit ni Mika ngunit hindi naman nabawasan ang pananakit ng dibdib ko kahit nakainom na ako.

Binuhat naman ako ni Mika at dinala sa clinic, wow suki na ako dito eh. Tinitigan naman ako ng nurse habang chinicheck niya ako, na para bang may hinihintay siyang sabihin ako.

"Wala ba kayong history ng sakit sa puso?"

"Wala po."

"Ah, baka naman pag ibig lang yan ha?" natawa na lang siya.

"You're jealous aren't you?" dagdag niya.

Napayuko na lang ako, ate naman! Am I really jealous? Pwede ba naman iyon? May girlfriend po ako, at ano... mahal ko iyon.

Wala naman nagsabing hindi mo mahal si Jovs eh, kaso baka lang, baka dalawa silang mahal mo.

Pwede ba naman maging dalawa ang mahal? Isa lang naman ang puso ko, paano mangyayari yun diba? Ah! Bwisit.

"Mukhang nag iisip ka ah." mapang asar na sabi ni ate nurse, bigwasan ko kaya siya?

"Chel buhay ka pa?!" sigaw ni Den dahil nasa may waiting area sila.

"Ate atin atin lang to ha, ano kasi ganito... uhm.. pwede bang ano... pwede bang may mahal ka tapos nagseselos ka na may lovelife yung kaibigan mong kaclose mo?" nahihiya kong saad.

"Ay nako girl, sana dalawa ang puso mo ganern?"

"Hindi ate, hindi ganun. May kung ano lang akong nararamdaman din sa kaibigan ko, pwede ba yun na dalawa silang mahal ko? Diba hindi?"

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon