Chapter 59

1.2K 36 181
                                    


R A C H E L

Mika's phone rung pero nasa cr siya dahil naliligo pa siya kaya ako na din ang sumagot nang makita ko na ang doctor niya ang tumatawag. It's been 2 months na din since malaman namin ang sakit niya.

"Good morning doc." bati ko dito.

"Mrs. Reyes, can you and your wife go into my office today?" bigla naman akong nakaramdam ng hindi maganda.

"Uhm why doc? Is it something serious?" I asked kahit alam kong seryoso talaga yung pag uusapan namin, I'm just hoping na sana hindi...

"Yes." tipid nitong sagot.

"Sige po doc."

I tried to compose myself pero I just can't. Sana hindi iyon kagaya ng iniisip ko.

"Mahal?" pagtawag sa akin ni Mika kaya nagpunas na ako ng luha.

"Mahal bakit? May kailangan ka?"

"Uhm... Medyo malabo paningin ko at nahihilo ako. Can you help me?" It's really a good thing na hindi sinasarili ni Mika yung nararamdaman niya. She seeks help pag kailangan niya.

I helped her get out of the bathroom and after dressing up, I told her na pinapapunta kami ni Doc sa hospital. Nakaupo kami sa bed, I saw how she manage to smile but her eyes told me she's scared of what's coming next.

I held her hand at sinandal siya sa balikat ko. We stayed just like that for a few minutes. Humigpit naman ang pagkapit niya sa kamay ko bago siya tumayo.

"Tara na." nakangiti niyang sabi.

"Babe, it's okay to feel scared, at lalong okay lang kung iiyak ka. Stop acting so strong, you can always cry on me." sabi ko at yumakap sa kanya.

"I'm reserving it for later." natatawa niyang sagot at saka kami nagtungo na ng sasakyan.

Sumama naman si Mael sa amin at nagpapalambing kay Mika. Close na close talaga silang dalawa.

"Ikaw kuya, mag aaral ka maigi ha? Tsaka yung mga kapatid mo wag mo aawayin." sabay gulo nito sa buhok ni Mael.

"Yes Mimi." sabay gulo niya din sa buhok ni Mika. Nakakatuwa talaga tong dalawa to.

"Balita ko may crush ka na ah. Sinabi sakin ng mama mo." malokong biro ni Mika kaya ang kuya namin biglang yumuko.

"W-wala p-po!" napailing na lang ako. Wala nga Mael, halata haha.

"Okay lang magkacrush basta bawal muna mag girlfriend." paalala ni Mika at yumakap na kay Mael saka humawak sa kamay ko.

Nang makarating naman kami sa hospital ay inutusan namin ang aming driver na igala muna si Mael.

"Ang lamig ng kamay mo mahal ah." nakatawang saad ni Mika. "Ikaw ba yung pasyente?"

"I'm just worried babe." sagot ko at umakbay naman siya sa akin.

"Let's think positive okay?"

I nodded at dumiretso na din sa room ng doctor ni Mika. When he looked at us, it really looks like it is more than just a bad news.

We sat and I tapped my fingertips in his table dahil kinakabahan ako. I don't know how Mika could manage to stay calm in this situation.

"In the recent test you had..." napabuntong hininga muna siya saka muling tumingin sa amin. "Aggresive ang tumor mo and it's spreading fast."

"How fast?" stern na sagot ni Mika.

"From zero to stage 3."

"How long?"

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon