Chapter 40

1.6K 50 117
                                    


*************
Heartaches
*************

R A C H E L

"Chel may bisita ka." sabi ni Den.

"Sino?"

"Tignan mo na lang."

Lumabas ako at nakitang ang daming bulaklak sa paligid. May taong may hawak na plaka, "Sorry" iyon ang nakasulat doon. Unti unti nitong binaba ang hawak niyang plaka at nakita kong si Jovs iyon.

Wala akong ibang ginawa kundi yakapin siya at humingi ng tawad sa kanya.  Kasalanan ko naman eh.

"Rach wag ka na umiyak, sorry kung naging gago ako okay? I'm really sorry for bringing you so much pain." saad nito at humalik sa noo ko.

"I'm sorry din Jovs. Hindi ko naman sinasadya masaktan ka." sagot ko habang humihikbi.

"Wag ka na magsorry, kaya nga ako nandito kasi ako yung may malaking kasalan sayo. I'm really sorry Rach."

Pinaupo ko naman siya sa sofa at patuloy na humingi ng tawad. Natawa na nga lang siya dahil wala naman nga daw akong kasalanan dahil hindi ko naman iyon ginusto.

"Sorry talaga Rach. Wala akong mukhang maihaharap sa tropa at lalong lalo na sayo pero kailangan ko humingi ng sorry dahil nga pinahirapan kita."

"Okay lang Jovs. I deserve that."

"Uyy hindi ah. No one deserves that kind of treatment kaya I'm really sorry."

Pauwi na sana siya nang maalala ko ang isang bagay.

"Uhm please wag mong sasabihin kay Mika."

"Why?"

"She doesn't need to know naman na." sagot ko at tumango siya.

I'm glad na okay na kami amd I'm thankful na someday we can be friends again.

-----







Mabilis na lumipas ang isang taon, at sa isang taon na iyon ay madaming nangyari. Mika and I became the best of friends, she tells me halos everything. Noong una ay parang binabarena yung puso ko, syempre mahal ko eh, pero nakasanayan ko na din and as long as she's happy I'm good with it. Although there's still a part of me na gusto pa rin siya kaya hanggang ngayon ay single pa din ako, I never took advantage of her when she's at her lowest like tuwing nag aaway sila, ayoko maging rebound noh.

Hindi naman sa hinihintay ko siya pero parang hindi pa rin ako handang magmahal ng iba.

Nag back-to-back champions sila, I'm so proud sa baby tams ko dahil season MVP na, finals MVP pa. Ateneo ang kalaban nila. After ng game nila, sa sobrang excited ko ay nagtungo ako sa court pero yakap na siya ng iba. Yakap na siya ng taong nagmamay ari sa puso niya. Naging instant powder ata ang puso ko ng mga panahong yun, sobrang sakit. Tinakpan nga ni Jovs ang mga mata ko nun at sinabing "Huwag mong titigan para di ka masaktan." Naramdaman ko ang pagtakas ng luha ko nun kaya agad niya akong niyakap.

May monthly date kaming magkakaibigan at syempre kasama ang special someone nila. Jia and Bea happened for real, ayaw nga ikwento ni Bea kung paano naging sila while Ria had Jessey. Ara and Den naman going strong ganun na din si Aby at Robert. Kami lang ni Jovs ang single sa magkakaibigan but we're both happy naman I guess. We talk casually na and nakamove on na din siya.

Si Mika naman? Kasama si Gretch as always kahit ang sakit sa mata tuwing naglalambingan sila. Minsan nga kikiligin ka na lang sa kanila, sila kasi yung simpleng sweet kahit naiinis ako ay kinikilig pa din with hurt feelings hahaha.

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon