Chapter 13

1.6K 49 39
                                    


********************
Heavy Rain,
Growing Feelings
********************

R A C H E L

Wala akong ibang magawa sa buhay kaya naman pinagtitripan ko na lang tong higanteng nasa harapan ko. Kinikiliti ko siya sa may batok niya.

"Rad, wag kasi."

"Eh gusto ko, bakit ba."

"Nakikiliti ako eh."

"Eh syempre kinikiliti kita! Magulat ka kung kinikiliti kita tapos umiyak ka diba?" sagot ko at napairap na lang, common sense dude.

"May naiiyak naman sa sobrang kiliti ah."

"Sobrang kiliti ba ginagawa ko sayo ha?!"

Tiklop ang mokong. Dahil tinakpan niya na ang batok niya ay yung tenga naman niya ang pinagtripan ko, mamili siya, tenga kikilitiin ko o batok?! Hahaha.

"Mika, pinapaabot ng fan mo." sabi ng kaklase namin kaya napatingin kami sa may pintuan.

"Thank you!" sigaw ni Mika kaya tumili yung babaeng nagbigay ng regalo.

"Woohoo! Lalaki na ulo mo niyan." komento ko.

"Selos ka naman agad, ikaw lang sapat na noh." kumindat pa siya kaya tinampal ko ang noo niya.

"Kahit ilan pang regalo matanggap mo, wala. akong. pake. okay?" sagot ko at kiniliti na lang ulit siya.

Dumating naman ang prof namin pero sinisimplehan ko pa din ang pag kiliti kay Mika pag nakatalikod ang prof namin. Inis na inis na yung mukha niya pero hindi man lang ako mapagsabihan. Gusto ko na nga matawa kaso masungit prof namin.

"Mika, madaming nag aabang sayo sa labas." sabi ng kaklase namin nang makalabas na ang prof namin.

"Bakit daw?" tanong ni Mika pero nag shrug lang ang kaklase namin.

"Crush ka ng mga yan. Mas bagay kasi sayo nakacontacts, mas malinis ka tignan. Tsaka mas gwapo ka." honest kong sagot. Totoo naman yun eh.

"Oh namula ka na jan, pinuri ka lang ng crush mo namula ka na kaagad. Nako Ye." dagdag ko.

"Basag trip ka talaga kahit kelan." sagot niya at lumabas na.

Nagtititili naman ang mga fans niya sa labas, yung crush nila, ako kasama sa bahay, pinagluluto ako, pinapasan, wala eh dyosa haha. Mainggit sila ng sobra sa akin.

Nagbubulungan pa sila nang kunin ni Mika ang dala kong libro, at doon ipinatong ang mga regalo sa kanya, mamatay kayo sa inggit haha!

"Aray!" sigaw ko nang may bumato sa akin ng matigas na bagay.

"Sino may gawa nun?!" kunot noo kong tanong nang ibalik ko ang tingin sa mga fans kuno ni Mika.

"Salawahan ka! May Gonzaga ka na, may Reyes ka pa!" sigaw ng isa.

"Manloloko!"

"Two-timer!"

"Malandi ka!"

Napangiti na lang ako dahil sa sobrang inis. Una sa lahat, wala akong balak mag girlfriend. Pangalawa, kailan ko naging jowa ang isa sa kanila? Pangatlo, anong meron kay Jovelyn? Pang-apat wala naman akong nilalandi, inaasar meron.

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon