Chapter 41

1.8K 48 167
                                    


*****************
Home is where
your heart is
*****************

R AC H E L

"HOY RACHEL ANNE DAQUIS!!!WALA KA BA TALAGANG BALAK BUMALIK HA?!" bungad sa akin ni Den sa skype. Nakita ko naman si Ara na kumaway kaya naman kinawayan ko muna ito pabalik bago sagutin si Den.

"I have work here diba?"

"Work? Work mo mukha mo!" inis na sabi nito.

"Ano ba kita? Jowa ba kita ha?"

"HELLO???!!!!!!! 3 YEARS CHEL. IT'S BEEN 3 YEARS SINCE WE LAST SAW YOU IN FLESH!"

After I graduated kasi I decided to work here in Germany. Kahit sobrang broken ni Mika noon dahil sa break up nila ni Gretchen ay nagawa ko siyang iwan, panandalian lang naman pero alam kong nagtatampo siya kahit hindi niya sabihin we're still bestfriends after all, pero kailangan ko eh. Kailangan.

"Ano?! Uuwi ka ba o pupunta ako dyan para hatakin ka pabalik ng Pinas?!"

"Wow as if matatakot mo ko sa sinasabi mo Den."

Natawa na lang ako dahil namumula na siya sa galit. May kinuha naman ako sa bag ko at pinakita ito sa kanya.

"Oh my ghad! Love look at this!" sabi niya kay Ara.

I was showing her my plane ticket. And yes for the first time in three years, I would see them again in person. Nasa airport na ako ngayon at hinihintay na lang ang flight ko.

"I'm going home!!!!!" excited kong sinabi.

"Waaaah! Sunduin ka ba namin?"

"Uhm pwede surprise muna? You and Ara can pick me up tapos kunyari may dinner na lang? Para may reason sila pumunta diba?"

"Do you know how busy our friends are?" seryosong tanong nito. "Do you really think na kapag sinabi kong 'let's have some dinner' ay pupunta sila agad agad?"

Napakagat naman ako ng labi, madami na nga palang nagbago. Busy na sila sa kanikanilang mga trabaho, although si Bea ay nag aaral pa while working dahil gusto niyang ipursue maging doctor. Sabi ko nga busy sila eh.

"Fine, sabihin mo na lang na uuwi na ako. Sumama kung sino gustong sumama."

Gusto ko pa naman sana sila isurprise pero ang ending malalaman na din nilang lahat agad. Nagpaalam na din ako kay Den dahil mag boboard na ako ng plane. Sinabi ko na lang kung anong oras ako dapat sunduin.

Habang papalapit kami ng papalapit sa Manila ay parang hindi na magkamayaw yung dugo ko dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko, nagpapalpitate nanaman ako ng malala. Hindi ko pa din alam paano haharapin si Mika, hindi niya kaya ako hinatid nung araw na umalis ako.




"Ye, punta akong Germany. Pinasok ako ng tita ko sa pinapasukan niya eh."

Agad naman siyang napatigil sa ginagawa niya at tinignan ako with matching kunot noo.

"Ha? Germany? Diba papanoorin mo pa last game ko sa FEU?" malungkot niyang tanong.

4 years lang kasi ang course ko kaya naman nauna ako sa kanila. Si Mika ay may naiwan pang subjects at maglalaro pa siya.

"I can't na. Next month na yung alis ko."

Alam ko na parang sobrang wrong timing para sabihin sa kanya na aalis ako dahil kakabreak lang nila ni Gretch last week. Kaso kung hindi ko sasabihin ng mas maaga baka lalo siyang magtampo.

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon