Chapter 52

1.4K 41 96
                                    


M I K A

I walked my way palabas ng venue at saka naupo sa damuhan.

Putang ina.

Nasabunutan ko na lang ang sarili ko sa nangyari. Bullshit!

"Mika!" rinig kong sigaw ni Jovs.

"Ye. Anong nangyari?" tanong niya.

Aba malay ko ba kung anong nangyari. Miski ako hindi ko naman alam ang nangayari.

Nagkibitbalikat na lang ako dahil puro hikbi lang ang lumalabas sa akin. Naramdaman ko na lang ang paghagod niya sa likod ko.

"Uwi na tayo." sabi niya ngunit umiling lang ako. Ayoko pa.

"Hindi pwede. Papagalitan ako ni Chel." natawa naman ako ng mapait. Anong kalokohan yun?

"Bakit siya magagalit? Siya naman dahilan bakit ayaw ko umuwi." natatawa kong sabi bago kagatin ang labi ko sa pagpigil ng iyak ko.

There was silence between us at kuliglig lang ang narinig ko ng ilang minuto.

"Saan mo ba gusto?" tanong niya.

"Ihatid mo ko kay Rad."

At dahil sa sinabi ko ay binatukan niya ako. Nababaliw na ako, ayokong umuwi pero gusto ko siyang makita. Gusto kong itanong kung bakit, kung anong nangyari, bakit naging ganun?

"Ano bang sabi niya sayo?"

"Hindi pa daw siya ready." sagot ko saka bumato sa malayo.

"Di naman kayo nagbreak eh."

Ganun na lang ba yun kadali? Kasi nakakayamot sobra. Hindi mo na alam paano kikilos sa iisang bahay na hindi makakadama ng kung anong awkwardness diba?

"Wait lang may tumatawag." segway niya kaya hinayaan ko lang.

Tumingin naman ako sa phone ko. Habang tinitignan ang wallpaper ko, hindi ko nanaman mapigilan ang luha ko. Nak ng, nakakainis!

"Buddy, ano? San tayo?"

"Uwi na lang tayo." sagot ko. Wala naman pala akong energy para harapin si Rad kung nasaang lupalop man siya ng Pilipinas naroroon. Malamang sa malamang, hindi uuwi iyon.

"Sure ka?" tumango naman ako.

Lumulan na kami ng kotse at nakipag agawan pa sakin sa driver's seat. Baka daw bumunggo kami pag ako ang nagdrive. Di uyy, mahal ko ang buhay ko.

"Pero Ye, seryoso, baka naman nabigla lang din?"

"Ewan ko buddy. Ayoko na pag usapan." tugon ko at tumingin na lang sa malayo.

"Sabi kasi sayo, tayo na lang eh." sabi ni Jovs dahilan para matawa ako ng bahagya.

"Yung huling taong nagsabing sana kami na lang eh pinagpalit ako sa ex niya." sagot ko patungkol kay Gretch.

"Sus. Ibahin mo ko Ye." natatawang sabi nito at akmang hahawakan pa ang kamay ko.

"Kilabutan ka nga." saka siya humagalpak.

Thankful ako at nandito siya ngayon. Napapagaan niya ang loob ko kahit papaano.

Nang makarating kami sa bahay ay nakapatay ang lahat ng ilaw. Sabi na nga ba hindi siya uuwi.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng bahay ko nang walang ano ano'y  bumuhos na muli ang luha ko.

Puta ang sakit.

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon