Chapter 53

1.5K 37 75
                                    


J O V S

Finally my best buddy is getting married. I'm happy for her, at kahit medyo epic ang nangyari ay tinawanan na lang namin. Heto naman kasi si Rachel kung ano ano pa naisip gawin sa buhay.

@mikareyesss Feels like I've won the lottery. She said yes 💍 ☺️ I love you Babe! ❤️ @rachdaquis03

Napangiti na lang din ako sa nabasa ko. I'm glad they're both happy.

-----

Papunta na ako sa restau ko dahil may magfefeature daw nito pero hindi ko na natanong kung sino.

"Good morning mam." bati sakin ng isa sa staff ko.

"Good morning din." nakangiti kong bati dito.

"Jovs!" rinig kong sigaw ng kung sino kaya naman napalingon ako. Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin.

"Bigtime ka na ah." sabi niya.

"Gretch... Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Umagang Kay Ganda. Prinsesa ng tikim." natatawa niyang sagot.

"Ohhh. Hindi ako nainformed and medyo outdated na din. You know busy sa pagmanage."

"Bigtime talaga mga tropa ko." sabay akbay niya sa akin.

Medyo nakakahiya dahil hindi naman ako prepared sa tanungan portion after niya tumikim tikim. Camera shy po akong tao.

After naman ng segment niya ay nagstay pa sila saglit, pinaghain naman namin sila ng mga bestsellers namin.

"I've heard Mika's getting married na." panimula niya nang magpunta kami sa likod ng restau ko which is my fave spot, may small pond and relaxing ang ambiance.

"Ah oo, finally." nakangiti kong sagot dito at naupo sa may bench.

"I still sometimes think of her." bakas ang lungkot sa mukha niya.

"Ikaw naman kasi, pinakawalan mo pa. Nung sinabi niyang mahal ka niya, mahal ka niya at ikaw lang." sagot ko sa kanya.

"Alam ko naman yung katangahan ko noon, tanggap ko na din naman. She's the one that got away."

Umakbay naman ako sa kanya at ginulo ang buhok niya.

"Someone will come along and prove to you na this life is meant to be shared with that someone new and not with Mika." pangaral ko sa kanya at tumayo na.

Inilahad ko naman ang kamay ko at nang kinuha niya ito ay nakaramdam naman ako ng kuryente at napailing. I've never felt this since Chel and I broke up.

"I've stayed single after Chel and I broke up. I was scared of being hurt again pero I think It's time to open my heart for someone new, you should too." I smiled and so she did saka ko binitawan ang kamay niya.

"May point ka and I think we should celebrate our exes engagement." natatawang suggestion niya.

"So, let's have some dinner later?" tanong ko.

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon