Chapter 43

1.8K 40 145
                                    


M I K A

Maaga akong nagising kaya naman inayos ko na yung maleta ni Rad para sa bahay ko na siya magstay at pinagluto ko na rin siya ng Omelette. Gumawa na rin ako ng salad para naman madami siyang makain.

"Uyy mukhang masarap yan ah." sabi ni Ara nang makalapit siya sa akin.

"Magluto ka ng iyo, para lang kay Rad to." sagot ko.

"Ayy grabe, ang sungit naman. Hindi ka pinagbigyan?" biro niya kaya binatukan ko siya. Ang bastos ng bunganga.

"Baliw ka. Subsob ko nguso mo dito sa niluluto ko eh."

"Bakit ba ang sungit mo? Binibigyan mo naman kami noon ng niluluto mo ah."

"Joke lang, syempre nasa lamesa na yung inyo. Special tong kay Rad." nakangiti kong sagot.

Maya maya ay dumating na din si Den at mukhang takam na takam na itong dalawang 'to. Umakyat muna ako sa taas at tinapik ng mahina si Rad.

"Love gising na." sabi ko ngunit hindi siya sumagot at kumunot lang ang noo niya.

"Loooove. Gising na, luto na yung breakfast mo. Or gusto mo dito na lang?"

Bigla naman niyang tinampal ang noo ko, ano bang problema niya.

"Love mo mukha mo." masungit niyang sabi.

"Ha? Love mo naman ako ah."

"Ayoko. Tawagan niyo ni Gretch yan eh." at nagtalukbong pa siya ng unan.

Natawa naman ako at tinanggal na ang kumot niya saka dumagan sa kanya.

"Dali na queeny. Bangon ka na habang mainit pa yung ulam."

"Maliligo muna ako para deretso na tayo sa inyo." sagot niya kaya bumaba na muna ako ulit.

Nakikipagkwentuhan ako kanila Den nang biglang sumigaw si Rad.

"REYEEEEEES! Anak ng! Nasaan na yung panty ko!"

Ang awkward ng tinginan ni Ara at Den bago humagalpak ng tawa.

"Uyy hala, hindi yun yung iniisip niyo." natataranta kong sinabi at nagpaliwanag na inayos ko yung gamit ni Rad.

Muli naman itong sumigaw kaya umakyat na ako at tinuro yun hinahanap niya.

"Grabe nakakahiya! Inisip tuloy nila na ano!" nahihiya kong saad.

"Eh bakit kasi pati panty ko inayos mo." natatawa niyang reklamo.

"Eh bilisan mo na magbihis." sabi ko at nang makatapos siya ay nagrequest pa.

"Buhatin mo ko." utos niya.

"My pleasure." natatawa kong saad at binuhat na siya.

Para lang akong may bagpack sa dala ko. Mas mabigat pa nga ata yung dinadala ko noon kaysa sa taong buhat buhat ko.

Pinaghain ko na siya at natawa naman siya dahil ang dami kong nilagay.

"Ubusin mo yan."

"Wow naman. Yung hinain mo sa akin pang kargador Ye."

"Tignan mo nga yung katawan mo, para ka ng tingting."

"Ang sungit mo." sagot niya at pinoke pa ang pisngi ko.

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon