Chapter 34

1.5K 45 220
                                    


***********
Confusion
***********

R A C H E L

"Hoy girl, kanina ka pa nakatulala dyan." sabi ni Aby kaya napatingin ako sa kanya.

"Ha?"

"Ano ba iniisip mo at kanina ka pa nakatulala dyan?"

"Wala."

"Wala? Kaya pala kanina ka pa namin kinakausap pero ni tumingin sa gawi namin ay hindi mo magawa ano?"

Napabuntong hininga na lang ako at muling tumingin sa malayo, hindi ko din alam bigla na lang akong natutulala. Nasa dorm kami ngayon

"Miss mo na?" tanong ni Den.

"Oo." sagot ko.

"Pauwi na din naman sila Jovs mamaya ah."

Natauhan ako sa sagot ni Den dahil hindi si Jovs ang taong pumasok sa isip ko sa tanong niya.

Si Mika.

I shook my head.

Bakit si Mika ang naisip ko? May girlfriend ka Rachel, tapos ibang tao iniisip mo.

Tinuktukan ko na lang ang sarili ko dahil na din sa katangahan ko.

"Hala girl, magpacheck up ka na. Malala na tama mo." sabi ni Aby.

"Tigilan mo ako." sagot ko.

"Di mo ba nakausap kanina?"

Si Mika? Hindi.

"Kausap, dito na daw siya tutuloy pero tabi daw sila ni Mika." sagot ko.

"Ayun naman pala eh, ano pang inaalala mo dyan? Safe naman makakauwi yung mga yun."

"Oo na, oo na."

Pinikit ko na lang ang mata ko at hinayaang pasukin ng antok ang systema ko. Nagising na lang ako nang makaramdam ako ng mumunting halik sa labi ko.

"Hi sleeping beauty, missed me?" nakangiting bungad sa akin ni Jovs.

"Ofcourse." sabay yakap ko sa kanya at humalik sa pisngi niya.

"Pasalubong ko sayo."

Inabutan naman niya ako ng strawberry na case para sa phone ko, chocolate na may strawberry, keychains at iba pa. Strawberry talaga?

Tumingin ako sa mga mata niya at tinakpan ang ilong at bibig niya. I'm trying to remember that gray-jacket-strawberry-printed-masked-girl. Pero mukhang hindi naman siya.

"Thank you baby." sabi ko at niyakap siya.

Nakita ko naman si Mika na buhat buhat si Mimi, maigi pa si Mimi napansin niya. Umakyat na ito dala dala si Mimi.

"Baby?" bumalik naman ang ulirat ko sa pagtawag niya sa akin.

"Hmm?"

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon