Chapter 15

1.9K 52 99
                                    


***************
I can't help it
***************

M I K A

Nakaupo lang ako sa sofa, nanonood ng napakaboring na palabas nang makita ko si Rad na pababa ng hagdan.

As usual, yung suot niya eh as seductive as ever pero no, I'm very much prepared. Binato ko sa kanya yung jersey ko, ewan ko ba, parang gustong gusto niya isuot mga jersey ko.

Natawa na lang siya at isinuot na nga ang jersey ko. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa lap ko, hala ka.

"R-rad a-a-ano ba yan. May upuan pa oh." ngarag kong sagot, I don't want to be this close to her.

"I want to have fun." sagot niya kaya nanlaki ang mata ko.

"A-ano b-bang pinagsasasabi mo?"

Hindi siya sumagot pero pinulupot niya ang 2 kamay niya sa leeg ko. Nakaramdam nanaman ako ng kung ano sa tyan ko. Sabagay, di pa kami nagbbreakfast.

"Ah, eh, Rad tayo ka na. Magluluto na muna ako." sabi ko ng hindi siya tinitignan.

"I want something new." bulong niya sa tenga ko, para akong nakuryente sa pagdampi ng labi niya sa tenga ko.

"W-wala n-naman tayong ingredients sa ref eh." sagot ko.

Tumawa naman siya kaya nagtaka ako. Kunot noo ko siyang tinignan, mata sa mata.

"Mika?"

"Hmm?"

"I want you for breakfast." bulong niyang muli at kinagat ang tenga ko.

Hindi ako makapagreact, hindi ako makagalaw sa narinig ko. Naririnig ko lang ang malakas na pintig ng puso ko. Pwede bang mag sign of the cross?

Palapit na ng palapit ang labi niya sa labi ko. Napapikit ako...

"Mika?"

"Mika??"

"MIKAAAAAA!"

Napamulat ako ng mata, thank G, panaginip lang pala. Ilang beses ko na siya napapanaginipan at ang lala nung ngayon ha.

Pero mas awkward yung nakita kong pwesto. Nakahiga ako and she's on top of me, smiling weirdly.

"Sinong napapanaginipan mo ha?" tanong niya.

"W-wala k-ka n-na d-dun." sagot ko habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko. Nakakahiya eh.

"Nakanguso ka na eh, may ka kissing scene ka noh?" tumawa siya at dumagan sa akin.

Bakit ba kasi hindi ko nilock yung pintuan ko kagabi? Napapikit na lang ako ng mariin, nakakahiya. Siya kasi yung nasa panaginip ko, ang awkward kung sasabihin kong ''meron, ikaw" diba?

"Alis na jan." sabi ko.

"Buhatin mo ako."

"Yoko, ang bigat mo."

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon