Chapter 48

1.5K 42 117
                                    


M I K A

Nasa daycare ako ngayon nagbabantay ng makukulit na bata dahil umalis si Rad at ayaw akong isama. Maghiwalay naman daw kami paminsan pero kakatext niya lang na miss niya na ako. Yung totoo?

Narinig ko naman ang pagbukas ng sliding door kaya agad akong napatingin doon. Nakita ko si Gretch na bitbit si John, relatives pala sila?

"Good morning mam." bati ni Ella kay Gretch.

"Pinahatid lang sa akin itong pamangkin ko, sunduin ko siya ng mga 1:30."

"Sige po mam."

"Ate Mikaaaa!" sigaw ni John at nagtatakbo papunta sa akin.

"Hi John, kamusta?" tanong ko dahil nung isang buwan ko pa siya huling nakita.

"Okay lang po." saad nito at yumakap sa akin.

"Hi Gretch." bati ko dito.

Wala naman sana akong balak kausapin siya kung hindi niya ako makikita eh, kasi sumigaw si John.

"Hi Ye. Dinaan ko lang si John."

"Narinig ko nga."

Medyo awkward...

"Uhm bakit ka nandito?" tanong niya.

"I own this." nakangiti kong sagot dito.

"Ahh..."

Another awkward silence.

"Uhm ano... Pwede ba tayo magcoffee later? Catching up?"

"Tignan ko pa. Itatanong ko muna kay Rad. You know, after what happened nung sesh natin, hindi ako pwedeng magpadalos dalos. Mahirap na, ayoko naman masaktan ko si Rad." sagot ko dito.

I saw how she frown, should I feel guilty? No. Naging totoo lang naman ako, pero atleast susubukan ko diba? It's been 2 months na din since huli kaming nagkita, nung nag inuman pa kami.

"Sige, I have to go. Yun pa din ba number mo?" tanong niya.

"Nope. Save mo na lang dito number mo." kinuha ko ang phone ko at inabot sa kanya.

"Thanks. Update me. Bye."

"Ingat."

Nakipaglaro naman ako kay John dahil kinukulit ako nito na maglaro kami. Love na love siya halos ng mga nagtuturo dito dahil napakabibo niyang bata at saka siya ang pinakahuling sinusundo madalas sa daycare kaya halos lahat dito ay kinukulit niya pag siya na lang ang natira.

My Queen Babe ❤️

Mahal, Gretch asked me kung
pwede daw magcoffee later?

Sure. Kahit maghapon pa,
basta sa akin ka uuwi 😉☺️
Love you! 😘

Don't worry sayo at sayo lang
ako uuwi. Hahahah. Bahay ko
yun diba? 😂😂😂😂

Hahahaha! Namo Reyes!

Hahaha sweet mo talaga kahit
kailan babe! Kaya mahal na
mahal kita eh 😂🙄 Love you
too! See you later 😘


Kinalabit naman ako ni John kaya nagsquat ako para lumebel sa kanya. 3 years old na siya.

"Bakit baby J?"

"Are you and tita close?"

"Noon baby, why?"

"Bakit hindi na ngayon?"

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon