Finale

1.3K 39 136
                                    


R A C H E L

A life without Mika sure is lonely. Gabi gabi kong tinitignan ang picture niya, hindi pa din ako masanay sanay na wala siya sa tabi ko. Wala na yung taong sobrang nagpapasaya sa akin, at yung taong mahal na mahal ko.

Nakahiga ako sa kama namin ngayon, wala na siya at tanging unan na lang ang kayakap ko sa pagtulog. Wala ng dumadagan sa akin pag napagtripan, lalong wala ng naglalambing bago ako matulog.

Gaano nga ba kasakit mawalan ng kapartner sa buhay? Yung taong kasa-kasama mo bumuo ng pamilya ay lilisan ng maaga? Mawawala na lang sayo sa isang iglap. Hindi ko na minsan alam pano ko pa nakukuhang bumangon, gayong hindi ko naman ikaw makikita na.

Napapikit na lang ako at hinayaang dapuan ng antok ang sistema ko.


"Rachel! Bilisan mo naman." sigaw ng kaklase ko.

"Teka naman kasi!" sigaw ko pabalik.

I am a grade 5 student at naglalaro kami ngayon sa isang bakanteng lote. Pauwi na sana kami nang harangin kami ng mga kalalakihan. Mukhang mga highschool na sila.

"Akin na mga pera niyo." sabi nung isa.

Agad naman nataranta ang mga kaklase ko, wala naman kasing makakakita at makakatulong sa amin dito. Kung makakatakbo sila ay dapat makaliko sila bago pa abutan ng mga to dahil paniguradong madami ng tao dun.

"Pagbilang kong tatlo tumakbo na kayo agad." saad ko.

Nagbilang na ako at sinipa sa balls yung lalaki saka kami nagtata-takbo. Nakaliko sila agad pero naabutan ako dahil nahawakan nito ang bag ko. Agad akong kumalas sa bag ko, wala namang laman yun, nagtata-takbo akong muli pabalik sa bakanteng lote. Lumiko ako at walang mga tao dito.

Kinakabahan na ako dahil baka kung anong gawin sa akin. Nagulat na lang ako nang may humatak sa akin papunta sa isang eskinita saka tinakpan ang bibig ko.

"Shh. Wag ka maingay para di nila tayo marinig." sabi ng bata na mas matangkad sa akin.

Sobrang lapit niya sa akin, at para akong nakaramdam ng kakaiba. Pagtingin ko sa kanya ay instant naging crush ko ang bata sa harap ko.

Hinawakan naman nito ang kamay ko, at para akong nakikiliti na hindi ko maipaliwanag. Dahan dahan kami lumabas ng eskinita patungo sa kalye na madaming tao.

"Dito ka na. Ligtas ka na dito." saad nito at ginulo ang buhok ko.

"T-thank y-you." sagot ko.

"Mika Reyes nga pala. Ikaw?"

Ano daw? Micah? Ah sabagay panglalaking pangalan yun sa States diba? Maikli ang buhok niya at naka tshirt siya at pang basketball na shorts.

Pasagot na sana ako nang tawagin siya ng mga kaibigan niya.

"Uyy sige dito na ako. Babye, mag iingat ka." saka ito kumaway at nagtata-takbo na sa mga kaibigan nito.

Nakita ko pa siyang lumingon sa akin at kinawayan akong muli. Napangiti na lang din ako. Ang gwapo niya lalo pag nakangiti.




Nagising ako at agad tumulo ang luha sa munting panaginip, ala-alang nakalimutan na. Kaya pala pamilyar ang pangalan niya sa akin. Siya ang batang naglitas noon sa akin. Kaya pala nung unang araw na nakasama ko siya sa room at tinawag siya ay parang narinig ko na ang pangalang iyon. Sa una at huli naming pagkikita, iisa lang ang ginawa niya, ang iligtas ako. Iba ka din talaga Mika.

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon