Epilogue

1.7K 39 198
                                    


"Sa bawat araw na lumipas, hindi kahit kailan nabawasan ang pagmamahal ko kay Mika. May mangilan ngilan na sumubok, hindi ko naman isinara talaga yung puso ko pero siguro hindi ko pa nakikita yung taong yun. Isa pa hindi pa naman ganun katagal na wala si Mika. Hindi ganon kadali magrecover sa pagkawala ng minamahal" sa isip isip ni Rachel.

"Good morning mahal." bati ni Rachel sa picture ni Mika at pinunasan ito.

"Wala pa din sigurong kupas yung gandag gwapo mo noh? I'm maintaining mine, baka ipagpalit mo ako kay Lala eh." biro niya at natawa na lang din sa katangahan.

Araw araw niyang binabati ang larawan ng minamahal. Simula sa pag gising at bago matulog, kahit gaano kapagod ay hindi niya ito nakakalimutan gawin.

Most of the days, she spend her time looking at their picture, sometimes looking back at their old twitter conversation. Minsan naiiyak siya at nalulungkot pero mas madalas siyang napapangiti sa pag alala sa minamahal.

Linggo at naisipan nilang mamasyal, kasama ang isang yaya ay napagdesisyunan nilang magmall. Bitbit ni Mael si Rika at si Rachel at ang yaya sa kambal.

"I remember how mimi badly beat me sa arcade ma." nakangiting saad ni Mael.

"Talo sa akin si mimi mo nak." sagot nito at natatawa na lang din sa naalala.

"Ha? Paano po?"

"Either I win or sa sofa siya eh."

At dahil sa sagot niya ay natawa na lang din ang anak saka kumamot sa batok. Napagdesisyunan nilang manood ng pang pamilyang pelikula ngunit di nila inaasahang ganun ang tema. Nagkaroon ng cancer ang ilaw ng tahanan at agad naman napaiyak si Rachel doon.

"Miss panyo oh." saad ng tao sa likod niya pero agad itong tinanggihan ni Rachel at hindi na ito tinapunan ng tingin.

"Ma, mag aalala si mimi sayo niyan." saad ni Mael.

"Masakit pa din anak."

Napailing na lang si Mael at isinandal ang mama niya sa kanyang balikat. Hoping somehow mababawasan ang sakit na nararamdam ng mama niya.

After ng panonood nila ay nagpaalam muna si Mael na pumunta sa cr kaya naman iniwan niya si Rika sa yaya nito ngunit sa kasamaang palad ay nawala ito sa paningin nila.

"Rika!" sigaw ni Rachel na halos maiyak iyak na.

"Tabaching nasaan ka na." pag hanap ni Mael dito ngunit hindi pa rin nila makita.

Agad agad nagpunta sila sa customer service para ipage si Rika. Ang batang nawawala na pero hindi pa din umiiyak.

"Mimi? Mimi! Mimi!" sigaw nito at yumakap sa tuhod ng babaeng nakatayo lang.

Bakas sa mukha ng babae ang pagkagulat kaya lumebel siya sa bata at hinaplos ang buhok nito. Niyakap siya ng bata kaya agad silang nagkatinginan ng kasama niya.

"Kilala mo?" tanong ng kasama niya pero nagshrug lang ang babaeng yakap ni Rika.

"Mimi! Tara kay mama." hinawakan naman nito ang kamay ng babae at saka nag thumb suck.

Narinig naman nila ang pagpage sa isang bata na katulad sa description ng batang kasa-kasama nila ngayon.

"Una ka na, ihahatid ko muna to sa customer service. Sunod ako." nakangiting sambit ng babaeng hawak hawak ni Rika.

"Mimi buhat." walang anu-ano'y binuhat naman siya. "Miss you." sambit ng bata at nakaramdaman naman ng kung anong lungkot ang babae. "Labyu."at humalik pa si Rika sa pisngi nito.

Umiiyak pa si Rachel kasama si Mael, ayaw niya mawalan ng anak. Lalo na at si Mika ang naglihi para sa kanya kay Rika. Ang mga anak na lang nila ang buhay na ala-ala ni Mika.

Nakaupo lang sila at naghihintay nang may lumapit na staff sa kanila at sinabing may nagbalik na kay Rika.

Dali dali nila itong pinuntahan at nakita si Rika na kakababa lang sa pagkakabuhat sa kanya. Agad naman itong niyakap ni Rachel ng mahigpit.

"San ka galing baby? Bakit bigla kang umaalis? Please don't leave mama again ha?" saad ni Rachel sa anak saka humalik dito.

"Mimi is here!" masigasig na sambit ng anak kaya napangiti si Rachel.

"Mimi is always with us." sagot nito at nag angat ng paningin para magpasalamat sa taong nagbalik sa anak niya.

Nang magtama ang mata nila ay agad siyang napaluha. Is this even real? Sa isip isip niya. Tinignan niya itong maigi, binilang ang nunal sa mukha nito, doon niya nasigurado na ang kaharap niya ay ang taong gustong gusto niyang makapiling ulit.

"Mika..." sambit ni Rachel.

"Miss, mauuna na po ako." sambit ng babae kaya agad napakunot ang kilay ni Rachel.

"Mika..."

"Miss, hindi po ako si Mika." nakangiting sabi nito pero hindi naniniwala si Rachel. Sigurado siya, siguradong sigurado siya na ang nasa harap niya ay ang kanyang asawa.

"Mimi!" sigaw ni Rika at nagpapabuhat muli sa taong kawangis ni Mika kaya muli itong lumebel sa bata.

"Behave ka ha?" sabi nito at pinanggigilan ang pisngi ni Rika.

"Miss?" pagtawag nito kay Rachel at para bang tinatanong ang pangalan nito.

"Rachel..." saka niya inabot ang kamay niya.

"Ahh... Kylie" nakangiti niyang sambit.

"Care to have some dinner with us?" wala sa loob niyang tanong pero hindi siya nagsisi dahil alam niyang si Mika ang taong kaharap niya... Pero bakit, paano?

Gusto man niyang matagal pang makasama ang taong nasa harapan niya ay may biglang tumawag dito. At sa aura pa lang ng isa sa kanila ay kilala niya ito.

"Gale..." mahina niyang wika.

"Ah Rachel, mauuna na ako ah. Well maybe we can have some lunch with Rika right? Here's my calling card." nakangiti nitong sambit.

Agad naman siyang tumalikod para hindi makita ni Gale.

What is she even doing with that girl at bakit Kylie? sa isip isip ni Rachel.

"Ma, di tayo natatandaan ni Mimi?" tanong ni Mael.

"Hindi ko alam anak, pero feeling ko may mali... but I'm glad she's safe." napayakap na lang siya nang mahigpit kay Mael. "My Mika is safe."

Alam niyang may mali, alam ni Gale na kasal sila at lalong kilala ni Gale si Mika kaya malaking katanungan ang naiwan sa isipan ni Rachel.

*****

AC: 🤔🤔 Well this is not really a happy ending, hindi din sad. Let's just keep it open na lang 😂 Love ko pa din kayo kahit medyo sad haha.

Book 2? I don't know pa. Maybe yes, maybe not. Depende. Let's keep it open. 😂☺️

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon