Chapter 1

3.2K 74 30
                                    


***************
The Women's
Basketball Team
***************

M I K A

I was walking towards the gym ng FEU, third year college na ako pero ngayon ko lang naisipan sumali sa Women's Basketball Team. I stopped playing dahil na din sa hindi magandang karanasan ko nung highschool, pero namimiss ko na, kaya kahit feeling ko kinakalawang na ako ay mag tatryout ako.

Pagkapasok ko pa lang ng gym ay natigil halos ang lahat, maliban na lang sa isang tao na kilalang kilala ako.

"Mikaaaa!" sigaw ni Jovelyn Gonzaga, ang team captain ng FEU-WBT.

"Jovs." sabay akap ko sa kanya. 2 taon niya na akong pinipilit na sumali sa team nila dahil na din sa skills ko.

"Tara ipapakilala kita kay coach."

Hinatak naman niya ako papunta sa coach nila, medyo kinabahan naman din ako. Halos 3 taon na ako hindi nakakapaglaro ng basketball kaya baka hindi maimpress sa akin si coach at hindi ako kunin.

Nang maipakilala ako ni Jovs ay may dumating pang isang mag tatryout. Pagkakita ko pa lang sa kanya ay kinabahan na ako, don't tell me hanggang dito kailangan ko siyang pakisamahan.

"Hi coach. Ara Galang po." sabay nakipagshake hands siya kay coach.

Napatingin naman siya sa akin kaya napangiti siya at niyakap ako.

"Ye." sabi niya.

"Mag tatryout ka din pala."

"Oo, pinilit ako ni Den sumali. Gusto niya daw ako makitang maglaro." all smiles pa siya nung sinabi yun.

May kirot akong naramdaman nang bigkasin niya ang pangalan ni Den. Si Dennise, ex-girlfriend ko. Naging kami nung 3rd year highschool ako. Ayaw niyang tinitilian ako ng iba, dahil ako ang star player noon sa school namin ay hindi naman maiiwasan yun, kaya halos every game nag-aaway kami. Just to keep her, nag quit ako sa team kahit sobrang nanghinayang ang coach ko nun. Ako pa man din ang team captain, kaya pati mga teammates ko nalungkot pero wala eh, mahal ko si Den.

Kami ni Den pero kakaunti lang ang may alam, dahil na din strict ang parents niya. Sa school namin ginanap yung provincial meet, sobrang lungkot ko nun, namimiss ko na maglaro. Championship match ng school ko vs school ni Ara. Siya ang star player nila, sa 3 taon ko naglaro, 1 beses lang kami nanalo sa kanila. Nagpromise ako sa sarili ko na babawi ako ngayon, kaso wala eh, dumating si Den sa buhay ko. Nasa may hallway ako sa tapat ng room namin, nanonood lang paano durugin ni Ara at ng team niya ang team ko. Nakita ko din na chinicheer ni Den si Ara, may tarpaulin pa itong hawak, durog na nga team ko, durog pa puso ko dahil sa selos.

Nagbago ang pakikitungo sakin ni Den after nun, anniversary namin pero hindi man lang niya naalala. Lagi niyang hawak ang phone niya at para bang laging may kausap. Kahit magkasama kami ay hindi niya mabitawan ang phone niya. Natakot ako malaman ang totoo kaya hindi ko na tinanong kahit nasasaktan ako. Then bigla na lang nakipag break na siya. That day nakita kong sinundo siya ni Ara sa school namin, ang effort lang dahil ang layo ni Ara. Tinanggap ko na din agad na talo ako.

"Bakit hindi ka na naglaro nung last year natin?" tanong ni Ara.

"Priorities." yun lang ang sagot ko dahil si Den naman talaga ang priority ko.

"Bakit ngayon ka lang sumali?" tanong ko.

"Ah, sabi ni Den magfocus daw ako sa studies ko, pero ngayon gusto niya daw akong mapanood." nakangiti niyang kwento.

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon