#4

61 4 0
                                    

June 04, 2017 // 10:55 pm

6pm yun nung chinat ako ni Clyde. Nangangamusta siya.

Habang magkachat tayo, may kakaiba akong nararamdaman. Parang... Para kong nahuhulog sakanya?

Alam kong mali dahil may girlfriend ka. At kaka-isang taon niyo lang nung May 25. Wala akong intensyon guluhin kayo. Wala kong balak sirain relasyon niyong sinasabi mong lumalabo na.

Pero kasalanan ko bang mukhang nahuhulog na ko sa'yo, Bes?

Bes...

Wag kang pa-fall please. Masakit umasa. Besides naisip ko rin si Cedrick. Pero mukhang masaya na rin naman siya sa iba.

Pero hindi ibigsabihin nun ay kailangan ko na rin maghanap ng iba para sumaya ako. Sinusubukan ko namang pigilan, Clyde eh. Kasi alam kong mahal mo siya at mahal ka niya.

Pero nung isang buwan kasi, nanaginip ako. Corny man pero sa panaginip ko, Ako daw ang Goblin's Bride. At ikaw ang Goblin.

Sa dinami daming pwedeng maging Goblin ng buhay ko, Bakit si Clyde?

Nung una akala ko si Cedrick pero iba yung nasa panaginip ko. Impossible... pero bakit kita napaginipan Clyde?

Nung isang buwan rin nakwento samin ni Ashley na after ng game sa volleyball magkakasama kaming lumabas kasama ang kanya-kanyang Boylet.

Si ashley at martt. Si raven at hal. Si jane at *toot* (dahil nakalimutan namin ni raven yung boylet ni jane sa panaginip ni ashley) At ako, ikaw.

Yes ikaw, Clyde.

Kahit sa isang panaginip pa ni Ashley, ikaw pa rin daw yung boyfriend ko.

Terrence Clyde Marasigan, sino ka ba? Sino ka ba talaga? Sino ka ba sa buhay ko?

Tala's Farewell Journal (Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon