#10

38 2 0
                                    

June 07, 2017 // 12:11 pm

I decided na i-follow/add or unblock na ulit si Cedrick sa lahat ng social media accounts ko.. Satingin ko, kaya ko na naman na. Nakakaya ko na. Tsaka baka isipin niyo napaka-bitter kong tao, inadd ako ni Yna last month pa. Last week ko lang naisipan i-accept. Sa bawat post nya, alam ko na si Cedrick ang pinapatamaan niya. Maybe nahulog agad siya kay Cedrick, alam nyo yung masaya dun?

Wala na kong masyadong nararamdaman mabigat sa pakiramdam ko. Dapat talaga nung April 25 pa to ginawa ni Author eh hahaha hindi yung kung kelan malapit na ko maka-move on. Hahahahaha!

Siguro nga nagiging okay na ko, pero yung mga tao na nasa paligid ko? Hindi pa rin maiiwasan na hindi nila mabanggit sakin si Cedrick like, "Uy nakita ko si Ced kanina ah? Sa Malangas na pala siya nagaaral?" or "Nakita ko ex mo kanina ah, ang sama ng tingin sakin sarap dukutin ng mata kaso mahirap kasi nakapikit siya"

See? Pero ngayong friends na kami sa facebook ni Cedrick, i'm trying my best na wag agad magagalit sakanya. Marami siyang masasakit na ginawa sakin, pero kailangan matuto pa rin tayong magpatawad.

Tala's Farewell Journal (Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon