June 08, 2017 // 6:53 am
Gooodmorning!
Kakagising ko lang. May mga muta pa nga ko sa dalawang mata ko eh. Inaantok pa ko kaso may liwanag na kasi eh. Kapag ganun, hindi na ko nakakabalik sa tulog ko, or minsan kahit inaantok ako sa hapon pahirapan din.
Binuksan ng pinsan ko yung TV para manuod ng cartoons. Nilipat niya sa Channel 5. Sofia the First ang palabas. Nags-scroll ako sa facebook nang mapatigil ako sa ginagawa ko dahil sa na rinig ko.
"Ginoong Cedrick!"
Rinig kong boses ni Sofia. Inangat ko ng kaunti ang ulo ko at tumingin sa TV namin. Wala akong ginawa kundi napa-buntong hininga na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Tala's Farewell Journal (Prequel)
No Ficción"Gaano ba kahirap ang mag-move on?" Mahirap. Mahirap na mahirap. Dahil wala namang madali sa buhay. Lahat ay kailangan mong paghirapan para sa huli ginhawa'y maramdaman. Nahihirapan kang mag-move on dahil nag-mahal ka ng totoo. Normal lang yan. Pero...