#7

42 3 1
                                    

June 06, 2017 // 11:38 am

Nakita kong online ka. Napatingin ako sa 'confirm friend' na nakalagay. At inisip ko kung ic-click ko na ba yun o hindi.

Nagisip isip akong mabuti... Tinanong ko yung sarili ko...

Kaya ko na ba?

Natanggap ko na ba? May sakit pa ba kong nararamdaman? Mahal ko pa ba?

Siguro pwede na ngayon...

Pinindot ko yung 'confirm friend' kaso nagulat na lamang ako nang may lumabas na,

'Unable to Add this Friend'

Ay bawal pa? Bakit? Siya din ba hindi niya pa matanggap na Friends na lang kami?

Charot. Keme ka Facebook ha! Ayaw mo kaming pag-kaibiganin ni Ex. Bad.

Tala's Farewell Journal (Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon