June 28, 2017 // 3:30 pm
HAPPY BIRTHDAY RAINIEL!! binati na kita sa twitter with picture pa natin. Naks naman haha. So ayon medyo paasa ka kasi sabi mo ngayon ka magpapakain tapos biglang bukas pa pala. Haha! Gusto ko lang sabihin na, Thankyou. Kahit na last week lang tayo nagka-close kasi nga Transferee ka and bukod don para sakin ang awkward... Siguro kasi may paghanga ako sayo? Ewan. Basta nung first day, ikaw una kong napansin bukod kila Raven. Tapos syempre pogimon nanaman at mukhang ikaw ang na-target ko. Alam kong may kasabihan kami na "Kapag pogimon, pogimon lang. Walang mahuhulog." Kaso iba eh. Araw araw tayong nagkikita at nagkakasama sa iisang room. Kung nasa ibang room ka baka kaya ko pang pigilan, baka hanggang pogimon ka lang para sakin. PERO. Alam ko sa sarili ko na, hanggang inspirasyon ka lang para sakin. Sorry. Kasi pinangako ko sa sarili ko na after netong breakup namin ni Cedrick, Hindi muna. Tama na muna dyan sa love, love na yan. Hanggang inspirasyon lang muna kaya ko. Last week, tinanong mo ko kung pwedeng tayo na ba. I said no. Natuto na ko, remembah? Charot. Hanggang sa kahapon, pinagtabi na tayo ni Sir. Seatmate na tayo. Kaya mas lalo pa tayong naging close. Minsan nga naiinis ako sayo, pag dinadaldal mo ko or ginugulo mo ko, may time nun na nagso-solve ako sa Math tas bigla mo kong idi-distract. Aba! Baka gusto mong sapokin kita. Hindi porket crush mo ang isang tao papabayaan mo na ang paga-aral mo. Hindi puro pa-cute. Gaya kanina, nakasagot ako sa recitation namin sa English. Plus points din yun. Odiba? Bukod sa naturn-on yung crush mo sayo dahil nakasagot ka, nadagdagan pa grades mo! Panis! So ayon, Thankyou Rainiel for being one of my inspiration for studying. Wow charot keme kala mo naman tama grammar HAHAHHAHAHAHA. Enjoy your day, Bal. Sana nagustuhan mo yung gift ko sayong Calligraphy (kahit panget). Godbless! Kainan na bukas wooh
BINABASA MO ANG
Tala's Farewell Journal (Prequel)
No Ficción"Gaano ba kahirap ang mag-move on?" Mahirap. Mahirap na mahirap. Dahil wala namang madali sa buhay. Lahat ay kailangan mong paghirapan para sa huli ginhawa'y maramdaman. Nahihirapan kang mag-move on dahil nag-mahal ka ng totoo. Normal lang yan. Pero...