#16

37 1 0
                                    

June 09, 2017 // 12:58 pm

Soooobrang boring! To be honest kahapon sa sobrang boring ko napagtripan ko yung mga stranger na naka-chat ko sa Omegle. Nakakatawa diba? Sa sobrang boring ko nakapag-Omegle na ko hahaha. Pero hindi ko gaya yung iba na nagha-hanap ng Lovelife, sadyang Boring lang talaga ako. At ngayon, panibagong araw, Boring nanaman. Pero hindi na ako nag-Omegle, nanuod na lang ako ng NBA sa Youtube haha, then nag-Log In ako sa Facebook. Mabagal ang Wifi namin kaya nakinig muna ko ng kanta sa iPod ko...

Out Of The Woods by Taylor Swift.

Sa kanta na 'to, naaalala ko si Cedrick. Sakto kasi naghiwalay kami before New Year, eh magi-isang taon na rin yung Music Video neto nung nag-break kami. Biglang nag-flashback nanaman sakin lahat. Kung gaano kalungkot at kadrama ang New Year ko.

"I walked out and said, 'Im setting you free'.."

Yan ang sabi sa kanta. Dyan sa part rin ako naiiyak kasi yan ang pinaka-natandaan kong sinabi ko kay Cedrick bago kami maghiwalay. I'm setting you free...

Alam mo yung tanggap ko na. Pero masakit pa din.. Ang sakit sakit isipin at balikan ang nakaraan.

Tuwing napapanood ko yung Music Video ng OOTW, nakikita ko yung sarili ko noon kay Taylor Swift.

Habang pinapakinggan ko 'yon nagulat ako nang lumabas ang pangalan ni Cedrick. Naka-Laptop lang kasi ako. Nagtaka naman ako bakit siya napadpad sakin, since FRIENDS naman na kami, in-open ko yung message niya.

From: Cedrick Alvarez
Hi Cheyenne! Imissyou.

Tala's Farewell Journal (Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon