#34

29 2 0
                                    

June 14, 2017 // 10:18 am

Just got home.

Nakakapagod. Paano pa kaya bukas regular class na kami. Jusmio, everyday byahe pa. Yung totoo. Laka maka-College eno. Haha! Okay lang. Masaya naman. Kagaya kanina ang dami kong Pogi na nakasabay sa Jeep. May tiga-SLCC, BCC, STI, jusko friend! Kaliwa't kanan may Oppa.

Nag-seating arrangement na rin kami, Binase sa boses yung upuan eh. Ang cute lang kasi pa-L yung upuan namin. Alto ako. Kami nila Ashley at Jane. So sa kanan kami. Si Raven lang ang nasa kaliwa, Soprano kasi siya.

Bukod sa bet na bet ko yung pwesto ko, seatmate pa kami ni Crush huhu. Hahahaha char idol!!

Naisip ko rin. Hindi ko alam kung maiinis ba ko sa adviser namin o matutuwa. Maiinis kasi sa bawat pagkanta niya saamin, Siya pa rin ang naaalala ko. O matutuwa dahil matututo na kong kumanta. HAHAHAHA deh biro lang.

Gaya kanina, kinanta ni Sir yung cinompose niyang kanta about sa Ex-girlfriend niya. Na yung title ay "Sana mabalik muli ang nakaraan."

See? Title pa lang. Cedrick Alvarez na agad nasa isip ko. Nakakaazar diba. Kung pwede lang itapon yung utak ko at palitan ng bago ginawa ko na. Nagt-teary eyes na nga ko kanina HAHA pinipigilan ko lang. Yung feeling na bawat lyrics ng kanta para akong sinasampal sa katotohanan na hindi na pwedeng ibalik ang dati. Yoko na nga.

Nakita ko pang dumaan si Joshua sa Room namin. Si Joshua kasi yung laging kasama ni Cedrick tuwing umuuwi or siya din madalas niyang kasama tuwing sumisilay sakin (huwaw grabe naman yung sumisilay sakin eno napakafeeler ko talaga)

Nung nakita kong nakita si Joshua inexpect kong kasunod niya si Cedrick kaso bigla kong naalala, Wala na pala siya. Hays.

Kahit sila Charles, Jerome, Jastin, Owen, tuwing nakikita ko sila akala ko makikita kita. Kagaya nung dati. Pag nakita ko sila, alam ko na agad nandyan tapos syempre makikita mo ko lalapitan mo ko, okaya sisitsitan.

Gusto ko lang sabihin na,

"Tangina mo Cedrick miss ko na yung dati. Pakyu ka kasi naiinis ako sayo dahil sinanay mo ko! Sinanay mo ako na lagi kang nandyan tapos sa huli... Ikaw rin pala ang mangiiwan."

Diba dapat ako naman talaga yung aalis. Anong nangyari ngayon? Ikaw yung nangiwan. Akala ko pa naman kapag bumalik ako sa Rosewood makakasama pa rin kita. Yun pala wala na kong babalikan pa.

Tala's Farewell Journal (Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon