#44

21 2 0
                                    

June 16, 2017 // 9:04 pm

So ayon na nga, sabihin na nating may Oppa sa classroom namin. Transferee siya. Well, cute oo. At sabihin na nating Pogi siya at nakalista siya sa mga Pogimon na na-hanap ko haha. Well, sabi nga nila Raven kanina,

"Kapag pogimon, Pogimon lang. Walang landian."

Troo yan. Yan ang number 1 rule sa pagpo-Pogimon. Iwasan ang ma-fall. Kami kasi, may mga pogi kaming nakikita pero yung level niya hanggang Pogimon lang talaga. Yung tipong, Cute pero di Bet. Ganoin!

Kaya kanina nung narinig kong tinawag siya ni Ma'am at nilapitan para ibigay ang 1/4 na papel niya, Napatingin ako sakanya. Siguro ilang segundo rin akong nakatingin sakanya hanggang sa unti unti ko nang nilayo ang mga tingin ko at napansin ko si Raven.

Yung "Huli ka." look.

"Luh?" sabi ko

"Nakita ko yon." Nag-evil smile naman siya.

Loooool, hanuvah.

Tala's Farewell Journal (Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon