June 11, 2017 // 9:58 pm
Hindi ko alam pero... Bigla na lang sumama yung pakiramdam ko.
I'm sorry, Cedrick.
Oo inaamin ko. Ginaganahan akong mag-update tuwing nalalaman kong nagbabasa ka pa rin hanggang ngayon sa pamamagitan ng pag-vote at comment mo.
Akala ko nung una, nung pasukan niyo na, titigil ka na sa pagbabasa. Kasi sigurado ako magiging busy ka na. Busy sa school, Sa bahay, Sa tropa at Sa babae.
Nag-uupdate ako para sa'yo.
Kasi alam ko inaabangan mo lagi bawat chapter. Nagagalit ka pa sakin minsan kasi ang bagal kong mag-update.
Every two days nagu-update ako ng isang chapter. Besides, gusto ko rin madaliin matapos ang storya na yun bago magpasukan. Ayokong magaya siya sa Begin Again na nakalimutan ko na ang kwento nuon.
Kinakaya ko naman at pinipilit palawakin pa ang imahinasyon ko pero ngayon iba talaga. Sumama pakiramdam ko. Kanina pa lang wala na kong gana. Sumasakit na ulo ko kokonti pa lang ang naisusulat ko.
Baka bukas na rin ako makapag-update.
Kung alam mo lang Ced, gusto kong i-message ka pero hindi ko kaya. Nahihiya ako. Kasi alam ko namang para sa paningin mo isa lamang ako sa mga Ex girlfriend mo.
Kung hindi ko man na-save ang relasyon natin, Gusto ko sana i-save yung friendship natin. Kasi sayang eh. Ilang taon taon magkakilala. But i guess.. you can't. Ayaw mo.
That's your choice. Ako na lang ang maga-adjust.
BINABASA MO ANG
Tala's Farewell Journal (Prequel)
No Ficción"Gaano ba kahirap ang mag-move on?" Mahirap. Mahirap na mahirap. Dahil wala namang madali sa buhay. Lahat ay kailangan mong paghirapan para sa huli ginhawa'y maramdaman. Nahihirapan kang mag-move on dahil nag-mahal ka ng totoo. Normal lang yan. Pero...