#66

19 1 0
                                    

June 23, 2017 // 04:34 pm

Hi bibi koooo! Happy 9th Monthsarry! Iloveyouuuu. Alam mo ba kanina nagulat ako. Pag uwi ko kasi habang naga-abang ako ng Jeep sa Pantok, Nakita ko yung Lola mo nakasakay dun sa Jeep na sasakyan ko dapat. Kinabahan ako. Nagdalawang isip pa ko kung sasakay ako kaso sige push, ang init eh nakakangalay na tumayo. Dun ako malapit sa driver umupo at sila naman malapit sa labasan. Alam mo ba Bi, akala ko kasama ka ng Lola mo. Naku! Kung nagkatotoo yun, maniniwala na talaga ko sa 'Tadhana' haha. Kasi naman! Monthsarry pa natin ngayon oh! So ayun, papunta akong SM Angono para tumingin ng mga bibilhin para sa cooking namin sa TLE, ako rin kasi Leader at ako ang laging Gala besides ako ang pinaka-malapit sa SM Angono. At nag-Infinitea rin ako. Kagaya nung sinagot kita sa Infinitea Darangan, Cookies n Cream din ang inorder ko. Odiba, para dama haha. Hindi abot yung wifi sa Infinitea so sa food court na lang ako tumambay. Bi? Miss na miss na kitaaaaaa. Nakakamiss kang kurutin, panggigilan, guluhin yung buhok mo, yakapin ka, titigan ka, hawakan mga kamay mo, mga lambing mo, pagiging seloso mo, sundutin yung kili-kili mo, makipag-apir sayo, mag-selfie kasama ka, makipag-asaran sayo, i-surprise ka, yung mga ngiti mo, yung kirat mong mata, yung matangos mong ilong, yung hihilahin mo ng mahina bigla yung buhok ko, yung pagiging bakla mo minsan para lang mapatawa ako, yung mga ka-kornihan mo, yung kakulitan mo, Ikaw. Krystal loves Cedrick. But Cedrick loves another girl. You finally found another girl. A girl who can make you happy as the same way i did. I guess, you and her are happy together. Then, I'm so happy for both of you. Really happy. Pakisabi sayo at sa bago mo, Don't worry, wala akong intensyon na sirain kung ano man ang meron kayo. Besides, hinihintay ko pa rin yung Sorry mo. Okay lang sanay naman akong maghintay haha. Again, Happy 9th Monthsarry Bi! Monthsarry na ako na lamang ang nakaka-alala at nagce-celebrate...

Tala's Farewell Journal (Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon