June 09, 2017 // 8:32 pm
Nakakamiss wtf. Haha.
I mean, siguro may mga memories kami ni Cedrick na gusto kong balikan. Lalong lalo na yung mga panahon na hindi ko pa nalalaman na tatlo kaming girlfriend niya?
Yung mga panahong sobrang tanga ako sakanya? Yung hindi pa niya ako niloloko ng sobra?
Ngayon kasi, ang dami kong kilalang nagkakabalikan. Si Jerome at yung GF niya, plano ni Jerome na balikan niya GF niya. Kasabay namin ni Cedrick mag-Monthsarry sila.
Tapos yung tropa naman ni Cedrick na si Joshua, Yung ex niya na si Kyla nagkachat kami last week lang.
Sabi niya... bakit raw hindi ko balikan si Ced eh kung mahal pa daw namin ang isa't isa?
And ngayon, hays hindi ko alam bat ako nagkakaganito. Ano? Umulan lang bumalik na feelings ko sakanya?
Akala ko okay na ko. May natitira pa rin pala...
May 1, dapat babalikan ko na si Cedrick, kaso sineen niya lang ako and i guess 'yon na yung binigay niyang sign na hindi na talaga pwede. At isa pa, nagpost siya sa My Day niya ng babae niya.
At ngayon, alam ko na kahit gustuhin ko man bumalik, hindi pwede.
BINABASA MO ANG
Tala's Farewell Journal (Prequel)
Non-Fiction"Gaano ba kahirap ang mag-move on?" Mahirap. Mahirap na mahirap. Dahil wala namang madali sa buhay. Lahat ay kailangan mong paghirapan para sa huli ginhawa'y maramdaman. Nahihirapan kang mag-move on dahil nag-mahal ka ng totoo. Normal lang yan. Pero...