Chapter 29- Confession

1.2K 45 1
                                    

Jhia's POV

"Oy gigising ka ba o gigising?" Aba! Nagbigay pa siya ng choice ah!

"Gising na ako, okay? Ayoko lang bumangon!" Nagtakip ako ng unan sa mukha.

"Dear Diary, excited na akong--" Agad kong inagaw sa kanya ang diary ko.

"Kuya!!!"

"Dear Diary pala ah! Hahaha!"

"Pake mo ba?! Eh di magdiary ka din!"

"Oh edi bumangon ka na rin. Alam mo ba kung anong oras na?"

"Of course! Ano tingin mo sa akin? Hindi marunong tumingin ng oras?!"

"Alam mo pala eh bakit hindi ka pa nagreready?!"

"Ano na naman bang meron? Wala naman pasok ah! Next week pa yung graduation practice namin! Ang aga aga sinisira mo na naman tulog ko!"

"Oh eh di matulog ka! Pabayaan mo siyang maghintay doon. Sige ka baka pagbalik niya may iba na pala siya!"

"Oh crap! Oo nga pala! Shettt ba't nakalimutan ko?!"

"Aba malay ko sayo! Signs na siguro ng pagiging gurang 'yan. Hahaha!"

"Lul! Mas gurang ka duh! Alis na nga diyan!"

"Bilisan mo! Pinapababa ka na ni mom."

"Oo na." Agad akong naligo at nagbihis. Ba't ko ba kasi nakalimutan yun?! Paano kaya kung may iba na pala siya pagbalik niya? Ganoon kasi yung mga napapanood ko eh. Tsk! Ano ba 'yan ang praning ko masyado. Buwisit kasi yung gurang kong kapatid eh!

Bumaba ako para kumain. Naabutan ko naman si mom, dad at kuya doon.

"Jhia, nandyan ka na pala. Kumain ka na."

Umupo ako sa tabi ni mom.

"Kamusta na yung pinsan mo?" Tanong ni dad.

"Nakalabas na po sa ospital si Laureen. Nagpapahinga na po siya sa bahay nila."

"Grabe naman ang nangyari kay Laureen. Masyado na siyang depressed."

"Oo nga po eh.anv tagal na po kasi nila ni Lucas tapos iiwanan lang siya basta basta."

"Anak, hindi kita tinatakot pero sana ihanda mo na rin yung sarili mo. Alam naman natin na nagpapanggap ka lang na girlfriend ni Ian at sa oras na makaalala siya, may posibilidad na iwan ka niya."

"Matagal ko na pong hinanda ang sari ko para doon. I have to go. Bye."

Sumakay ako sa kotse at agad akong nagdrive papuntang airport.

Kamust na kaya si Laureen? Ang hirap siguro ng sitwasyon nila ngayon. Si Laureen iyak ng iyak kay Lucas habang si Nate naman ang laging nandyan para kay Laureen pero si Lucas pa rin ang laman ng puso niya. Grabe noh? Kadalasan kasi hindi natin napapansin ang mga taong nagmamahal sa atin dahil ang laman lang ng puso at isip natin ay ang taong mahal natin.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa airport.

"Ouch!" Maaregeng sigaw nung babaeng nabangga ko. "Watch where--OMG! Jhia?!"

"Uhm... do I know you?"

"Oh c'mon! Nakalimutan mo na ba ako?" Nagpout siya.

"Wait... ikaw si... Airene!!! Hala! Hindi kita namukhaan! I miss you!"

"Aww I miss you too..."

"Ang tagal na kasi nating hindi nagkita simula nung--I'm sorry..."

"It's okay... bakit ka nga pala nandito?"

My Fake Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon