Chapter 27- Nate

1K 40 0
                                    

Jhia's POV

Good Morning Saturday!

Maaga akong nagising ngayon kasi... ewan ko. Basta trip kong gumising ng maaga ngayon. Si Kristine kakagising lang samantalang si Laureen ay magang maga ang mata dahil sa pagpupuyat.

"Oy bruha! May himala ba? Ba't ang aga mong magising?" Tanong sa akin ni Kristine.

"Eh bakit ba? Trip ko eh! Tsaka ipapasyal ko si Baby Snow."

"Ipapasyal si Snow o makikipagdate kay Ian?"

"Whatever. Manahimik ka nga!"

"Ayieee lumalove life siya ohh!"

"Che! Bakit ikaw ba hindi? Eh buong araw nga kayong nagdate sa EK ni Klyde eh."

"Eh basta!"

"Kumain ka na nga lang!" Sigaw ko. Napansin ko namang nagising si Laureen. Anyare sa mga mata niya? Bakit namamaga?

"Good Morning!" Bati namin ni Kristine sa kanya. Nginitian niya lang kami pero parang pilit. Mukha talaga siyang malungkot.

Tahimik lang kaming kumakain. Magang maga pa rin ang mga mata ni Laureen. Puyat na naman siguro 'to kakahintay sa tawag ni Lucas.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Kristine.

"O-oo naman." Nakangiting sagot niya.

"Tumawag na ba si Lucas?" Nasamid siya bigla kaya agad ko siyang inabutan ng tubig. Natigilan siya sa tinanong ko. Bakit kaya? May problema kaya sila?

"H-hindi pa. CR lang muna ako. Excuse me."

"Anyare sa kanya?" Tanong sa akin ni Kristine.

"Ewan ko. Kagabi late na siyqng natulog. Baka puyat lang."

"Siguro nga."

Pagkatapos naming kumain ay agad akong naligo at nagbihis dahil pupunta pa ako sa bahay.

Pumunta ako sa parking lot at kinuha ang kotse ko. Niregaluhan kasi ako ni dad ng kotse nung birthday ko kaya nag-aral akong magdrive.

Habang nagdidrive ako, boglang pumasok sa isip ko si Y.W.N. Ang tagal na niyang hindi nagpaparamdam. Hindi naman sa gusto ko siyang magparamdam pero nakakatakot kasi baka may pinaplano siyang hindi maganda. Eh basta! Ngayon susulitin ko na lang ang mga panahon na kasama ko si Ian bago pa siya makaalala.

"Ba't nandito ka?!" Tanong sa akin ni Kuya nang makarating ako sa bahay.

"Ay nahiya naman ako. Bahay ko din 'to kaya pwede akong pumunta kahit kailan ko gusto kaya lumayas ka na sa harap ko!"

"Chill! Ang init ata ng ulo mo ngayon. Hahaha!" Psh! Abnormal.

"Arf Arf!" Agad lumapit sa akin si Baby Snow kaya agad ko siyang kinuha.

"Aww namiss mo ba agad si mommy?"

"Mommy? Kailan ka pa nagkaanak ng aso? Tsaka sinong daddy? Si Ian? Tsk! Korni niyo!" Kahit kailan talaga 'tong napakabait kong kuya.

"Inggit ka lang kasi ako may love life eh ikaw?"

"Tsk! Umakyat ka na nga!" Haha pikon!

"Talaga!" Umakyat ako sa kwarto ko at humiga sa kama. "Snow, mamahalin niya pa rin kaya ako kapag nakaalala na siya?"

"Arf arf!"

"'Yan ka na naman sa arf arf mo eh! Nagtatanong ako ng maayos tapis arf arf lang ang isasagot mo."

"Baliw ka na ba? Pati aso kakausapin mo tapos maiinis ka kapag arf arf ang sinagot? Anong gusto mong sabihin niya? Meow meow?" Kabute ba si kuya? Bigla bigla na lang susulpot eh.

My Fake Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon