Chapter 9- Mall

1.4K 44 1
                                    

Kristine's POV

"Klyde?"

"Excuse me?! Magkakilala kayo ng boyfriend ko?!" Sabi nung babaeng blonde ang buhok.

"Ay sorry. Akala ko si Klyde eh."

"Yup. Siya nga si Klyde." -_- "At ikaw, kilala mo ba 'tong babaeng 'to?! Siya ba ang ipapalit mo sa akin?!" OA ni ate. Best actress amp! Pero infairness ha. Gwapo si kuya. Si ateng OA naman hindi masyadong kagandahan. Masyado lang siyang nag-iinarte.

"Ano ka ba hindi ko nga 'yan kilala eh."

"Sinungaling ka pa! Babae mo 'yan noh?"

"Excuse me, miss. Oo gwapo ang boyfriend mo pero hindi ko siya type at wala akong balak agawin siya sayo kaya sayong sayo na siya." Umalis na lang ako doon dahil baka hindi ko kayanin ang kaartehan nung babaeng 'yun.

Hmm... ano kayang pwede kong gawin? Shopping? Nope. Marami na akong damit at ayokong makita pa yung Zyra na yun. Mag-grocery? Eh wala naman akong bibilhin dahil kakagrocery lang namin. Kumain? Busog pa naman ako. Arcade? Pwede kaso ang boring kung wala akong kasama. Manood ng sine? Pwede din. Yun na nga lang basta malayo ako dun sa Zyra na yun.

Sumakay ko sa elevator dahil nasa 1st floor ako at nasa 4th floor pa ang movie theater. Mahahaggard lang ang beauty ko kapag nagescalator ako.

Bakit ko ba kasi naiisip si Klyde? 'Yan tuloy nagalit pa sa akin sa ate na blonde ang buhok dahil akala ako yung babae ng boyfriend niya. 'Pag nakatalikod kasi yung isa pang Klyde, kahawig niya si Klyde na kakilala ko pero 'pag humarap mas gwapo si Klyde na kakilala ko. Haayy! Nagkataon pa kasing Klyde ang pangalan nila parehas eh. Teka nga! Ba't ba iniisip ko yung abnoy na yun? Mukha ngang takas mental kasi kung ano-ano ba naman kasi ang pumapasok sa isip nun. Pero infairness ha may matinong purpose din pala yung utak nun kasi siya yung nakaisip na mangpanggap kami na 'kami'. Yun nga lang ewan ko ba kung gagana yung plano niya eh mukhang walang pake yung dalawa eh.

"Ma'am 4th floor na po." Sabi sa akin nung nag-ooperate ng elevator. Hindi ko kasi namalayan na nasa 4th floor na kami.

Bumili ako ng popcorn at ticket.

"Ma'am ilang ticket/s po?" Tanong nung babae sa counter.

"Isa lang. May nakikita ka pa bang kasama ko? Oo na. Tanggap ko nang mag-isa lang ako."

"Sorry po ma'am. Akala ko po kasi may kasama pa kayo tapis kayo lang yung bumili ng ticket."

"Akala na naman?! Lagi na lang akala."

"Ma'am pili na lang po kayo ng gusto niyong seat. Reserved seating po kasi." Haayy ano ba 'yan. Kumalma ka nga Kristine. Ang OA mo masyado. Nahawa ka na ata kay Laureen.

"R16." Pinili ko yung seat na nasa dulo since halos puno na yung row na yun.

"Here's your ticket ma'am."

"Thank you."

Pumasok ako sa movie theater at hinanap ang seat ko. Ang daming couples na magkasama dito. Sabagay, romantic movie nga naman 'to eh

Mag-eenjoy na sana ako kaso nga lang may dalawang pumasok eh. Sino pa nga ba? Edi sina Ken at Zyra. Nakakainis kahit saan ako magpunta nandon din sila. Nananadya talaga yung tadhana eh-_- Teka! Akala ko ba no pets allowed in the movie theater eh bakit may ahas dito? Ay joke ang aama ko naman masyado kay Zyra pero totoo naman diba? Kung hindi naman ba siya matino, mang-aagaw ng boyfriend-_-

After 2 hours, natapos nadin yung movie. Ang boring. I swear. Parang mas masarap pang matulog dito eh.

Fr: Forever ni Ian^_^

My Fake Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon