Chapter 14- Crush?

1.3K 46 1
                                    

Jhia's POV

Four months later...

Marami na rin ang nagbago sa loob ng apat na buwan. Sina Klyde at Kristine ay mas naging close. Sina Lucas at Laureen naman ay ganun pa din pero mas naging sweet sila sa isa't-isa. Nanalo din ang dance troupe ng school kung saan kasama sina Kristine at Laureen. Ako? Nanalo ako sa elections bilang SSG President nung August. Maraming ginagawa pero masaya. Marami na rin ang bumabati sa akin ngayon. Alam na rin ng parents ko yung tungkol sa pagpapanggap ko bilang girlfriend ni Ian. Si Ian? Wala pa rin siyang naaalala hanggang ngayon. Lately, naging weird ang samahan namin ni Ian. I mean mas naging close kami na para bang magbest friends kami. Ewan ko ba basta bigla na lang nawala ang kasungitan niya at katarayan ko haha.

Nandito kami ngayon aa classroom. Busy ang lahat sa pagdedecorate dahil napaaga ang Christmas Party namin. Mamayang gabi na kasi yun. Open ang university namin for outsiders. Panigurado nandiyan na naman sina Klyde at Ian.

Si Kristine ay ang nagdedecor kasama ang iba pa naming classmates. Si Laureen naman ay ang nakaassign sa food. Mag-aambagan na lang kaming magkakaklase tapos siya na daw ang bahalang magpadeliver. Ako naman ang nag-aayos ng games.

Actually, favorite season ko ang Christmas. Why? Kasi maraming regalo ang matatanggap haha charr syempre mas maganda kung ikaw yung nagbibigay ng regalo. Masaya kasi tuwing malapit na ang pasko kasi walang klase. Puro decorations lang tapos may Christmas Break pa.

"Kumain muna kayo." Nagulat kaming tatlo sa mga nagsalita. Sina Lucas, Klyde at Ian pala. Haha told yaahh close na kami ngayon. Paano nangyari? Ewan basta haha.

"Thanks." Sabi ni Laureen.

"Wala ba kayong ginagawa sa classroom niyo?" Tanong ko.

"Nakakatamad eh." Haayyy talaga 'tong si Lucas.

"Wala naman kaming magagawa dun hahaha." Abnormal talaga si Klyde haha. Grabeee nag-effort pa talaga silang puntahan kami kahit na nasa ibang university sila ni Ian.

"Gusto kasi namin kayo makita." Hala bakit ganon? Nag-iba yung pakiramdam ko nung sinabi yun ni Ian. Ay basta!

"Ayieeee! Kayo ahhh! Masyado pang maaga para sa Valentine's Day." Biro ni Vanessa. Nandito din si James pero okay lang. Nagmove on na ako sa kanya. Taray! Move on daw eh para namang naging kami haha. Hindi ko na siya crush kasi tanggap ko na... na si Vanessa ang mahal niya. Ouch! Charr wala na akong feelings para sa kanya.

"Ay may namumula..." Pang-asar ni Laureen.

"Ayieeee..." Pang-aasar ni Kristine with matching siko pa haha. Nahawa ata sa kaabnormalan ni Klyde. Palibhasa kasi lagi silang magkasama. Feeling ko nga nakamove on na siya eh. Pero si Klyde? Ewan ko.

"Tara na nga. Kainin muna natin 'to." Sabi ko tapos nagpaalam muna kami sa classmates ko na pupunta sa cafeteria.

Naupo kami sa table na lagi naming tatlo nina Kristine at Laureen.

"Anong plano niyo ngayong Christmas break?" Tanong ko.

"Baka magstay muna ako sa bahay namin kasama yung family ko. Matagal na rin kaming hindi nagbobonding." Sabi ni Lucas.

"Ako din. Namimiss ko na yung bahay namin haha. Nakakasawa kasi yung pagmumukha ni Kristine haha." Sabi ni Klyde.

"Hoy! Sa tingin mo ako hindi nagsasawa sa mukha mo?" Sabi ni Kristine. Para talaga silang aso't pusa ni Klyde.

"Joke lang! Ito naman haha. Aray!!! Amazona ka talaga!" Natawa naman ako nung hinampas ni Kristine si Klyde.

"Ako naman pupunta ako Canada kasama parents ko." -Laureen. "Don't worry hindi naman kami magtatagal dun."

My Fake Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon