Kristine's POV
Flashback... January 19
"Happy Birthday!" Bati sa akin nina Jhia at Laureen.
"Thanks."
"Oh eh ba't malungkot ka ata?" Tanong ni Jhia.
"Smile ka naman diyan. Birthday mo eh." Sabi ni Laureen. Paano ba ako makakasmile kung wala siya sa importanteng araw ng buhay ko? These past few days nagiging busy siya masyado. Wala na nga siyang time para kausapin ako kahit sa phone lang. Hindi kaya may babae na siya? No! Hindi niya magagawa yun sa akin. Alam kong mahal na mahal niya ako.
"Si Ken na naman ba?" -Jhia.
"Baka busy lang talaga sa school." Sabi ni Laureen. Busy sa school o sa babae niya. Gosh! Kristine, 'wag ka nga mag-isip ng kung ano-ano. "Birthday na birthday mo mukha kang sawi."
Umalis na yung mga guests dahil gabi na. Magdamag kong hinintay si Ken pero naghintay lang pala ako sa wala. Ni isang text o tawag wala akong natanggap.
"Matulog ka na. Gabi gabi ka na lang nagpupuyat para hintayin yung text niya pero may natanggap ka ba kahit isa?" Tanong ni Jhia.
"Wala."
"Exactly! Kaya 'wag mong sinasayang yung panahon mo sa mga bagay na ganyan. Matulog ka na. Matutulog na rin ako."
"Okay."
The next day...
"Kristine oh." -Jhia. May inabot siya sa akin na paper bag.
"Ano 'yan? Tsaka kanino galing 'yan?"
"Ewan nakita ko lang sa labas ng condo natin. Para sayo ata eh. Nakita ko dun sa card kaso walang nakasulat kung kanino galing. Pupunta muna ako sa coffee shop. Si Laureen naman nasa mall. Magtext ka na lang 'pag may kailangan ka."
"Okay." Binuksan ko yung card.
Happy Bithday, Kristine. I love you.
Hindi ako pwedeng magkamali. Handwriting 'to ni Ken. Binuksan ko yung paper bag at nakita ko yung mini heart pillow na gustong gusto ko makuha dun sa claw machine. Naalala ko dati nung nag-aarcade kami. Parang yun na rin kasi yung bonding namin eh. Nakailang try kami dun sa claw machine para makuha 'yan pero nauubos lang yung tokens namin sa wala.
Natuwa ako dahil sa ibinigay niyang regalo ngunit hindi ko rin maiwasang malungkot dahil sa 'I love you' niya. Alam kong dapat akong matuwa dahil sinabihan niya ako nun pero bakit sa card lang? Ni hindi nga niya masyado sinasabi yun sa akin eh. Kung tutuusin, Mga 5 times pa lang siya nag'I love you' sa akin tapos yung iba sa letter pa. Gaano ba siya kabusy para hindi man lang ako mapuntahan? Kahapon naiintindihan ko pa kasi Friday at may pasok siya pero ngayon Saturday na hindi pa rin siya nagpapakita sa akin.
End of flashback...
"Teka! Parang may naalala ako dun sa heart na pillow." Sabi ni Laureen habang kumakain ng red velvet cake. Never talaga kaming nagsawang kumain nito^_^ "Bigay sayo ni Ken 'yan nung birthday mo diba?"
"Mmm."
"Ay weh? Ba't di ko alam?" Tanong ni Jhia.
"Eh kasi nasa coffee shop ka nun tapos umuwi agad si Laureen galing sa mall kaya nakita niya ako nun."
"You mean... yun yung laman nung paper bag na inabot ko sayo?" -Jhia.
"Mmm."
Fast forward...(Saturday, July 29)
BINABASA MO ANG
My Fake Boyfriend (Completed)
Ficção AdolescenteMeet Jhia Chryselle Alford. Boyish pero Maganda. Cool. Mabait. Matalino. Halos nasa kanya na ang lahat maliban sa isa--ang love life. Well, hindi naman ito big deal sa kanya dahil happy and contented na siya sa single life niya lalo na't NBSB siya k...