Jhia's POV
Foundation day ngayon at open ang C.U. para sa mga outsiders. Sayang nga hindi kami kumpleto dahil wala sina Laureen at Lucas. Cool off muna kasi sila ngayon. Dapat nga magkaayos na sila bago umalis si Lucas eh. Uuwi din naman siya para sa graduation kaso syempre babalik din siya doon para mag-aral.
"So, saan niyo gusto pumunta?" Tanong ni Kristine.
"Disco booth/Horror house." Pambihira! Ako lang ang may gusto ng disco booth. Matapang ako pero ayoko sa mga multo. Huhu!
"Sa horror house muna tayo, Jhia." Sabi ni Kristine. Putek! Parang naninigas na ako sa takot ah!
"S-sige."
"Takot ka noh?" Mahinang tanong ni Ian.
"H-hindi a-ah!"
"Sabi mo eh!" Tapos tumawa siya. Hmp! Abnormal talaga!
Naglakad kami papunta sa bilihan ng ticket. Sina Kristine at Klyde naman ay kanina pang magkaholding hands. PDA talaga nitong dalawang 'to. Help!Parang hihimatayin ako ng hindi oras dito eh.
"Yieeee! Excited na ako! Balita ko maraming white lady sa loob eh." Jusme Kristine! Kung ikaw excited, ako baka himatayin na. Ayoko kaya sa mga white lady.
Maya maya ay pumasok na kami sa horror house. Hala! Eto na! This is it Guys, ipagdasal niyong makalabas akong buhay dito huhu!
"Awooo!" Pananakot sa amin nung isang white lady na nasa living room.
"Ahhhhhhh!!!" Bigla akong napayakap kay Ian.
"Hindi pala takot ah! Haha!" Sabi niya.
"H-hindi kaya. Nagulat lang ako."
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makapasok kami sa isang kwarto. Hala! Shet! Ang creepy! Puro dugo yung kama tapos may putol na ulo at kamay. Jusme! Help!
Biglang bumangon yung zombie na nakahiga sa kama! Hala! Mukhang papunta siya sa akin! Kuya ang chaka mong zombie ka! Myghaaaddddd!
"Kuya! Idol! Paselfie nga!" Abnormal talaga 'to si Kristine. Nagawa niya pang magselfie kasama yung kuyang zombie na ang chaka ng face.
"Kuya, subukan mong lumapit sa akin. Black belter ako!" Jusme! 'Wag na 'wag siyang lalapit sa akin.
"Hahahahaha!" Tawa naman ng tawa yung mga baliw kong kaibigan.
Lumabas kami dun sa kwarto tapos pumasok ulit kami sa isang kwarto. Jusme! Mga isang libong kwarto ata yung meron dito eh! Mga kwarto pa lang hihimatayin na ako eh papaano pa 'pag pumunta kami sa basement.
Ang style ng kwartong ito ay parang may crime scene na naganap. May mga dugo dugo tapos may creepy na chaka doll. Huhu!
"Jhia oh! Ang cute ng doll." Hinawakan ni Kristine yung doll tapos inilapit sa mukha ko. Grabe! Ako nga hindi ko matignan yun tapos siya hinawakan pa.
"Ahhhh! Anong cute diyan? Ang creepy kaya!" Tumawa na naman yung mga baliw kong kaibigan.
May mga creepy picture din doon sa kwarto. Pumasok kami dun sa may cr tapis may nakita kaming lalaki sa sahig na mukhang pinatay. Bigla niyang minulat ang mga mata niya tapos unti-unting naglakad papalapit sa amin.
BINABASA MO ANG
My Fake Boyfriend (Completed)
Genç KurguMeet Jhia Chryselle Alford. Boyish pero Maganda. Cool. Mabait. Matalino. Halos nasa kanya na ang lahat maliban sa isa--ang love life. Well, hindi naman ito big deal sa kanya dahil happy and contented na siya sa single life niya lalo na't NBSB siya k...