Laureen's POV
"Mukhang wala kayong 'friendly date' ngayon ah!" Sabi ni Kristine.
"Cool off muna eh." Sabi ni Jhia. "Ayy oo nga pala walang kayo."
"Sige mang-asar pa kayo! Buwiset!"
Flashback...
"Aba ayos na ayos ang bruha ha!" Pang-asar ni Jhia.
"Magdadate na naman kasi sila ni Lucas."
"Yieee muling ibalik!" Panunukso ni Jhia at timawa naman sila.
"Che! Manahimik nga kayo!" Saway ko sa kanila. "Oh siya sige na aalis na ako. Babuusshhh!"
Maaga akong pumunta dito sa park. Gusto ko kasi mas maaga ako sa kanya para hindi na siya maghintay.
10 mins later....
Hayysss ang tagal naman nun! Ay di bale baka masyado lang talaga akong maaga.
"Mukhang mag-isa ka lang ah."
"Mukha ba akong may kasa--Nate?!"
"Oh bakit?"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Kausap ka."
"Aisshhhh! Ano nga?!"
"Fine! Nakita kasi kita kanina kaya sinundan kita. Ba't mag-isa ka lang?"
"Ah hinihintay ko si Lucas. May da-lakad kami eh."
"Kanina ka pa umalis ahh mga 10 mins na."
"Napaaga lang ako. Darating din yun."
"Naglunch ka na ba?"
"Hindi pa."
"Tara kain muna tayo."
"Eh baka dumating siya tapos hanapin niya ako."
"Eh di itext mo."
Compose message.
To: Lucas
Maglulunch lang kami ni Nate. Sumunod ka na lang dito sa restaurant na malapit sa park kung gusto mo. Ingat ka sa pagddrive. I love you
Ayy erase! erase!
To: Lucas
Maglulunch lang kami ni Nate. Sumunod ka na lang dito sa restaurant na malapit sa park kung gusto mo.
Message Sent!
"Hirap talagang baguhin ang nakasanayan!" Sabi ni Nate habang nakatingin sa phone ko.
"Hooyyy! Di mo ba alam yung salitang PRIVACY?!"
"Hahaha! Huli ka! I love you pala ah! Ba't di mo sinend?"
BINABASA MO ANG
My Fake Boyfriend (Completed)
Ficțiune adolescențiMeet Jhia Chryselle Alford. Boyish pero Maganda. Cool. Mabait. Matalino. Halos nasa kanya na ang lahat maliban sa isa--ang love life. Well, hindi naman ito big deal sa kanya dahil happy and contented na siya sa single life niya lalo na't NBSB siya k...