Chapter 17- Saranghae

1.1K 45 2
                                    

Jhia's POV

Annyeong Korea! ^_^

Ilang araw na matapos kong marealize na gusto ko pala siya. Actually, matagal ko na siyang gusto pero hindi ko lang maamin sa sarili ko.

Nandito ako ngayon sa mall para bumili ng mga regalo. December 24 na pero wala pa rin akong nabibili kahit isang regalo.

Napangiti ako sa mga nakita kong bata. Isa isa silang lumalapit dun sa nakacostume na Santa Claus na namimigay ng regalo. Naalala ko dati nung bata pa ako lagi akong humihingi ng regalo kay Santa Claus.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang umabot ako sa department store. Ano kayang bibilhin kong mga regalo? Hayyy bahala na kung ano ang mabili ko hahaha. Ewan ko naman kung anong gusto nila eh.

After 1000 years, natapos na rin akong bumili ng mga regalo charr 2 hours lang naman hehe. Pagkagaling ko sa mall ay dumeretso ako sa park.

Ang ganda dito. Kahit 6pm pa lang, madami nang Christmas lights at syempre may snow. Feel na feel ko na ang Spirit of Christmas.

Bumili ako ng ice cream sa convinient store. Kahit nagsosnow kumakain talaga ako ng ice cream haha. Lumabas ako ng covinient store at naupo sa may bench sa park.

[A/N: Korean po yung conversation nila dito.]

"Mommy!" Sabi nung batang babae habang umiiyak. Mukhang nawawala siya kaya agad ko siyang nilapitan.

"What's the problem?" Tanong ko.

"I can't find my mommy."

"I'll help you find her. Stop crying. Here." Inabot ko sa kanya yung ice cream ko. Hindi ko pa naman nabubuksan yun kaya ibinigay ko na lang sa kanya. Sabi kasi nila kapag malungkot ka, kumain ka ng ice cream.

"Thanks. I'm Shin."

"Nice name. I'm Ate Jhia."

"Shin! Shin!" May babaeng tumatawag sa pangalan ni Shin. Siya kaya ang mommy niya.

"Is she your mommy?" Tanong ko.

"Yes. Thanks Ate Jhia!"

"You're welcome." Nagpasalamat din sa akin yung mommy niya.

Masaya ako na natulungan ko si Shin na makita ang mommy niya. Nakita ko kasi ang sarili ko sa kanya dati. Nawala na rin kasi ako nung bata pa ako tapos may babaeng tumulog sa akin pero hindi ko napasalamatan.

Wait! Parang familiar yung mommy nung bata. Medyo magaan yung loob ko sa kanya kanina eh. Hindi kaya--OMG! Siya nga! Siya nga yung babaeng tumulong sa akin nung nawala ako.

Umuwi muna ako sa bahay since wala naman akong magagawa.

Naabutan ko si kuya na nakahiga sa sofa tapos nakangiti habang nagcecellphone.

"Oy kuya bakit nakangiti ka diyan? Kachat mo si Ate Lianne noh?"

"Eh anong pake mo?"

"Wala naman. Torpe kasi kaya naunahan ng iba eh."

"Tsk! Atleast ako sigurado sa nararamdaman ko kahit hindi ko maamin eh yung iba diyan kailangan pa ng tulong ng napakagwapong katulad ko para marealize na gusto niya ang isang tao."

"Che! Makaakyat na nga!" Umakyat na lang ako sa kwarto ko at natulog. Magpapaabot kasi kami mamaya ng 12am.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.

--

Laureen's POV

Nakakamiss din pala si Lucas. Ilang araw pa lang ako nandito sa Canada pero namimiss ko na siya pati na rin yung mga takas mental kong kaibigan.

My Fake Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon