July 22, 2017
"Guys! Aalis muna ako ha." Paalam ko kina Laureen at Kristine, bestfriends/cousins ko. Nakatira kami sa iisang condo since malayo ang school namin sa bahay.
"Sige..." Matamlay na sabi ni Kristine. Lately, napapansin kong ang lungkot niya. Siguro dahil broken hearted. Naalala ko pa nung tumawag siya sa akin.
Flashback...
"Oh Kristine napatawag ka?"
"Jhia..."
"Teka nga! Umiiyak ka ba? Anong nangyari sayo?"
"Hindi niya ako sinipot sa date namin... and then I found out na nasa bar siya w-with another g-girl and tinawav nila ang isa't isang 'b-babe'"
"What the hell?! Si Ken magagawa niya 'yon?! First anniversary nyo pa naman ngayon..."
"Diba?Alam mo yung moment na nakita ko s-sila parang pinunit yung puso ko na parang papel."
Boooog!
"Ano yon? Wait! Are you driving?! Kristine naman... muntik ka pang bumangga ohh!"
"I know and I don't care! Sana nga mabangga na lang ako para makalimutan ko yung sakit eh."
"Kristine! Ano bang nangyayari sayo?! You're gonna end your life because of that?! Hindi pa nga kayo nag-uusap eh. You're unbelievable!"
"Wala na kaming dapat pag-usapan. Alam ko na lahat."
"But still, try to talk to him. May karapatan ka dahil ikaw ang girlfriend niya." Sabi ko. "Maybe he's just drunk or what?"
"Drunk?? My god! Hindi siya lasing nun."
Boooog!
"Kristine!" Sigaw ko. "Ano ba?! Ihinto mo yang kotse mo! Now!"
"No! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maramdaman lahat ng sakit na 'to. Wala na rin naman akong dahilan para mabuhay eh."
"Stupid reasons! Paano na lang kami?? Yung pamilya mo?! Nag-iisip ka ba?!"
End of flashback...
Ay oo nga pala. I forgot to introduce myself.
I'm Jhia Alford... ang weird ng name ko 'no? Galing kasi 'yon sa name ng parents ko which is Jacob and Sophia. Yung kanina kong kausap ay sina Laureen Johnson and Kristine Garcia. Pinsan ko sila sa mother's side. Kami ni Kristine, gusto naming maging doctor like my parents and si Laureen naman ay gustong maging fashion designer.
"I'll be back after our family dinner." I said.
"Okay. Ingat ka." Nakangiting sabi ni Laureen.
Agad akong umalis at nagpasundo sa driver namin. Hindi pa kasi ako pwedeng magdrive since 17 pa lamg ako.
"Ahh manong dun muna po ako sa mall. Mga 4pm na lang po ako pupunta kina Ate Ivy." I said.
BINABASA MO ANG
My Fake Boyfriend (Completed)
Teen FictionMeet Jhia Chryselle Alford. Boyish pero Maganda. Cool. Mabait. Matalino. Halos nasa kanya na ang lahat maliban sa isa--ang love life. Well, hindi naman ito big deal sa kanya dahil happy and contented na siya sa single life niya lalo na't NBSB siya k...