Jhia's POV
Kristine
Calling..."Napatawag ka?"
"Nagkita sina Lucas at Laureen kagabi."
"What?!"
"Confirmed! Mukhang si Airene nga ang bago niya."
"What the hell?! Are you serious?!"
"I'm damn serious, Jhia. Mukha ba akong nagbibiro?"
"How's Laureen?"
"Ayun umiiyak pa rin... tapos may chika na naman ako sayo."
"Ano na naman yun? Araw araw ka na lang may chika eh."
"Ayaw mo? Eh di wag. Bye!"
"Teka--" Ay bastos! Binabaan ako ng phone.
Calling...
Kristine"Ano ba yung chika mo?!"
"Sus kunwari pa eh interesado ka din naman hahaha!" Abnormal talaga! Nahawa kasi sa boyfriend niya.
"Ano nga?!"
"Chill... eto na po madam... si Nate may gusto kay Laureen umamin siya kagabi."
"Tapos?"
"Anong tapos?! Hindi ka ba magrereact or what?!"
"Bakit naman ako magrereact kung matagal ko nang alam yun?"
"Are you serious?!"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Eh bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Tinanong mo ba?"
"Hindi pero dapat kong malaman."
"Ahh ganun ba? Hindi ko kasi alam na dapat mo pang malaman yun."
"Psh! Wala ka talagang kuwentang kausap!"
"Thank you!"
"Hmp! Pero teka nga! Maiba muna tayo ng usapan. Kamusta na kayo ni Ian?" Natigilan ako sa tanong niya. Sandali akong napalingon kay Ian. Nasa kwarto kasi kami. Nakaheadset lang siya at feel at home talaga!
"Ian, lalabas muna ako ha... mahina signal eh." Palusot ko. Tinanguan niya lang ako.
Lumabas ako at pumunta sa garden para makapag-usap kami ni Kristine.
"Oy bruha! Ano 'yon ha?! Anong mahinang signal 'yang nalalaman mo?"
"Tsk! Syempre palusot yun. Paano tayo makakapag-usap kung nandon siya?"
"So ano na? Kamusta na kayo?"
"Okay lang..."
"Bes, alam mo inistalk ko yung ex ni Ian... no offense ha pero sa tingin ko kailangan na niyang malaman ang totoo kasi kahit nasaktan niya si Ian, naging malaking parte pa rin siya ng buhay niya.."
"Pero paano yung deal namin ni Ate Ivy?"
"Kahit na... mas magandang malaman niya yun ng mas maaga."
"Paano yung deal? Kilala mo naman ako diba? Ako yung taong tumutupad sa mga pangakong binibitawan."
"Pero handa ka parin bang tumupad sa pangakong 'yon kung ang kapalit naman nun ay ang pangloloko mo sa boyfriend mo?"
"Hindi ko siya niloko, okay? Nagpanggap lang ako kasi kung niloko ko siya eh di sana hindi ko siya minahal ng totoo."
"Basta kung ako sayo, sasabihin ko na sa kanya hangga't maaga pa. Mas mabuti nang malaman niya yun sayo kaysa malaman niya pa sa iba."
BINABASA MO ANG
My Fake Boyfriend (Completed)
Teen FictionMeet Jhia Chryselle Alford. Boyish pero Maganda. Cool. Mabait. Matalino. Halos nasa kanya na ang lahat maliban sa isa--ang love life. Well, hindi naman ito big deal sa kanya dahil happy and contented na siya sa single life niya lalo na't NBSB siya k...