Tulalang nakatitig parin si Esyang kay Edong na nakaswero at nakahiga sa manipis na kama. Isinugod nila ito sa pinakamalapit na pampublikong ospital sa tulong ng mga kapitbahay nila. Ang pampasadang tricycle ng kapitbahay nila ang pinakisuyuan niyang ihatid sila.
Matapos sa Emergency Room ay dinala na ito sa ward. Kailangan daw nitong manatili sa ospital. May hindi matiyak ang mga doktor sa kanya kaya sumailalim ito sa napadaming pagsusuri. Iilang oras palang sila sa loob ng ospital ay umubos na sila ng anim na libo sa gamot pa lamang.
Nag aalala siya na baka magastos nila dito sa ospital ang naipon niyang pangmatrikula ng mga bata para sa susunod na pasukan. "Umuwi ka kaya muna. Asikasuhin mo na muna sina Pochi doon. Ako na muna ang magbabantay kay edong." Napatingala siya nang magsalita si Badet.
Tindera ito sa palengke. Nagtitinda ito ng mga gulay at prutas. Ito lang ang malapit sa kanya sa lahat ng kapitbahay nila. "Hihintayin ko pa ang doktor. Kailangang makausap ko siya kung ano ba ang sakit ni edong." Aniya.
Dumantay sa balikat niya ang kamay nito. "Ako na ang maghihintay sa sasabihin ng doktor. Bumalik ka nalang para magdala ng mga gamit."
Nag aalangang tinitigan niya si edong. Tulog ito sanhi ng mga gamot na itinurok dito kanina. "Natatakot ako badet. Kinakabahan ako sa sasabihin ng doktor kung sakali."
Umiling iling si badet. "Ano ka ba? Wag ka ngang nega baka naman nagtatae lang yang si Edong. Nasobrahan sa mga kinakain. Alam mo naman ang mga bata kadalasan yan talaga ang nangyayari."
Tumango nalang siya. Hindi kasi siya sanay na nagkakasakit ang mga batang kasama niya. Matitibay ang sikmura nila kaya nasisiguro niyang matitibay din ang resistensya ng mga yan. Kaya lang hindi pa rin mawala ang pag aalala niya.
"Ate esyang kamusta po si Edong?" Mabilis na lumapit si Jopet sa kanya pagkarating pa lamang niya ng bahay.
Pasalampak siyang naupo sa kawayang upuan. Hinilot ang sentido at tinignan ang binatilyo. "Nasa ospital pa. Hindi pa nagigising dahil tinurukan ng gamot."
"Ate gusto niyo po bang ako na muna ang magbantay sa kanya? Magpahinga na muna kayo." Nabakasan niya ng pagaalala ang tinig nito.
Umiling siya. "Dito ka nalang muna sa bahay. Wag na muna kayong magsisilabas. Baka kayo pa ang magkasakit eh." Aniya. Naglakad siya patungo sa kusina. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig mula sa pitsel. "Babalik din agad ako sa ospital. Ang ate badet niyo lang ang naiwan doon. Mas mabuting nandoon ako."
Hindi na nakipag argumento si Jopet sa kanya. Dumeretso siya sa silid na may silong at inumpisahang balutin ang ilang gamit na kailangang dalhin sa ospital. Tulad ng tuwalya at mga ekstrang damit.
Ang mga ito nalang ang pamilya niya kaya ipinangako niyang aalagaan niya ang mga ito.
"Sige! Saktan mo pa ako! Saktan mo! Hinding hindi mo na kami makikita ng anak mo." Umiiyak sa isang tabi si Tessmarie habang nakatingin sa nga magulang niya.
"Matagal na akong nagtitimpi sayong puta ka!" Iniambang muli ng ama niya ang palad nito ngunit hindi na iyon muling lumapat sa pisngi ng kanyang ina.
Nahuli ng mga parak ang tatay niya bilang isa sa mga dealer ng mga ilegal na droga. Hindi sila makapagpiyansa dahil kulang sila sa pera. Pinanindigan kasi ng kanyang ama na nasabit lang daw ito at hindi daw talaga ito miyembro ng sindikato. Hindi nila alam kung paano ito nagawang paniwalaan ng prosecutor. Pumayag ang pulisya na magpiyansa ang kanyang ama. Kaya lamang wala naman silang sapat na halaga para makalabas ito.
Ang nanay niya ang gumawa ng paraan. Bumalik ito sa dati nitong trabaho---ang magputa. Magbenta ng laman para kumita ng malaking halaga.
Niyakap niya ang mga binti at sumobsob doon. Tahimik siyang umiyak at ipinagdasal na sana ay magising na siya sa matagal na bangungot niya.
Nahinto ang daloy nang nakaraan sa isip niya nang humahagos na pumasok sa loob ng bahay si pochi. May kasama ito. Si Aling Minda na nagtitinda ng basahan sa kalye.
"Oh! Aling minda! Napadaan kayo." Tila hinihingal na tumitig sa kanya ang ginang.
"Si Caloy mo.. "
Pagkarinig niya sa pangalan ni Caloy ay tila may dumagan sa dibdib at ulo niya. "A-Anong nangyari kay Caloy?"
Tumingin siya kay Pochi na nakatingin pala sa kanya. "Nahuli ng mga pulis si Caloy. Hayun! Nakakulong."
Napahawak siya sa sentido at napaupo. Nasa ospital si Edong at hindi niya alam kung ano nga ba ang sakit pagkatapos nakakulong naman si Caloy. Si Caloy na siyang tunay niyang kapatid.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hermosa Señoritas' 1: Those Three Words (PUBLISHED UNDER KPUB PH)
RomanceHermosa Señoritas' 1: Those Three Words "It was an inexplicable force that brought us together... I know I wanted to spend the rest of my life with you." Produkto ng maraming pagkakamali ang buhay ni Tessmarie. Her father was a drug addict while he...